Marso 20, 2025
PISCES: (Peb. 19 - Mar. 20) – Nasa trabaho ang pag-asa para maging masagana ang buhay. Alagaan nang buong husay ang kasalukuyang hanapbuhay. Iwasan ang mainggit sa kapwa para hindi maghirap. Iwasan ang tsismis para hindi mabaon sa utang. Lucky numbers at color for the day ang 7, 36, 40, 42 at lavender.
ARIES: (Mar. 21- Abr. 19) – Matutong magpahalaga sa gawain ng iba. Bawasan ang mapaghanap sa mga kasamahan o kasambahay. Lucky numbers at color for the day ang 9, 16, 20, 31 at white.
TAURUS: (Abr. 20 - May. 20) – Kailangan ang pagkakaisa ng pamilya. Ang pagsisikap ay maghahatid nang kaluwagan. Lucky numbers at color for the day ang 6, 1, 19, 39 at dollar green.
GEMINI: (May 21- Hun. 21) – Ang kawalang sigla ay dahilan sa pagkakamali. Suriing mabuti bago magpahalaga ng payo. Huwag mangako. Lucky numbers at color for the day ang 15, 25, 37, 40 at tangerine.
CANCER: (Hun. 2 - Hul. 22) – Maaaring may pagtatalo ang mag-asawa, magkasintahan, magkaibigan o kasamahan. Pakinggan ang kutob. Lucky numbers at color for the day ang 8, 26, 28, 38 at aquamarine.
LEO: (Hul. 23 - Ago. 22) – Isang kapatid o kamag-anak ang matutulungan. Iwasan ang maglasing upang hindi masangkot sa gulo. Lucky numbers at color for the day ang 18, 31, 40, 42 at midnight blue.
VIRGO: (Ago. 23 - Set. 23) – May ilang kasamahan ang maghahanap ng iyong atensiyon at pang-unawa. Makakatanggap ka ng sulat o tawag. Lucky numbers at color for the day ang 9, 18, 41, 42 at pink.
LIBRA: (Set. 24 - Okt. 23) – Ang sipag ay magdudulot ng kasaganahan. Dapat mag-concentrate para makamit ang minimithi. Lucky numbers at color for the day ang 19, 23m, 25, 36 at sun yellow.
SCORPIO: (Okt. 24 - Nob. 22) – Iwasan ang mga kaibigan na maluluho at mapapasubo sa malaking gastusan. Huwag ka maging sentimental. Lucky numbers at color for the day ang 1, 23, 25, 39 at magenta.
SAGITTARIUS: (Nob. 23 - Dis. 21) – Huwag ipilit ang bagay na mahirap tanggapin para sa nakakarami. Iwasan na mag-init ang ulo. Lucky numbers at color for the day ang 3, 7, 34, 41 at yellow.
CAPRICORN: (Dis. 22 - Ene. 19) – Isang Leo ang magbibigay ng kasiglahan subalit isang Aries naman ang magbibigay ng sakit ng ulo. Lucky numbers at color for the day ang 18, 31, 34, 42 at indigo.
AQUARIUS: (Ene. 20 - Peb. 18) – Ang hindi paglimot sa pagdarasal sa tuwina ay magdudulot ng magandang kapalaran sa buhay. Lucky numbers at color for the day ang 15, 22, 33, 41 at aquamarine.
- Latest