AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) Anuman ang binabalak, makabubuting pag-aralan muna bago gawin. Hindi sa iba nakasalalay ang iyong tagumpay kundi sa sarili. Kung mapag-aaralan at nakatitiyak sa resulta sa gagawin, ituloy nang buo ang loob at positibo ang pag-iisip. Lucky numbers at color of the day ang 1-2-39-40 at red.
PISCES (Peb. 19-Mar. 20) Ang pagdududa sa minamahal ay huwag basta magdesisyon nang walang matibay na ebidensiya. Kung sa tsismis nagmula ang balita, hanapan ng paraan na mapatunayan ng sarili. Alalahaning dalawang bagay ang dala ng tsismis: ang makasira o katotohanan. Lucky numbers at color of the day ang 14-17-23-42 at orange.
ARIES (Mar. 21-Abr. 19) Anumang uri ng pagsubok sa buhay ay malulusutan kung magiging mahinahon at ipaiiral ang praktikal na desisyon. Huwag mag-emosyonal dahil walang magandang desisyong magagawa at hahantong sa hindi magandang gawain sa sarili. Lahat ng problema ay may katumbas na solusyon at ito ang dapat hanapin. Lucky numbers at color of the day ang 20-21-36-40 at green.
TAURUS (Abr. 20-May 20) Kung isa ka na may mataas na tungkulin, gagamitin mo ang kapangyarihan ng iyong posisyon. Tiyakin na ang taglay na kapangyarihan ay gamitin sa matuwid at makatarungan at hindi lalabag sa batas ng tao at Diyos. Magdalawang-isip sa gagawin. Lucky numbers at color of the day ang 18-19-30-31 at blue.
GEMINI (May 21-Hun. 21) Makatarungan ang gagawin kung ipaglalaban ang prinsipyo at paninindigan ito. Ang proposisyon o suhestiyon ay dapat tanggihan dahil ikaw ang masisisi sa mangyayari. Gaano man katamis ang mga salita, huwag paniwalaan dahil malalagay sa hindi magandang sitwasyon. Lucky numbers at color of the day ang 7-8-29-37 at sky blue.
CANCER (Hun. 22-Hul. 22) Magtatagumpay sa gagawin kung hindi ipagpapaliban. Aksyon kaagad ang kailangan upang matamo ang tagumpay na hinahangad. Ang gawain na hindi magagalaw ngayon ay magiging walang silbi kinabukasan. Lucky numbers at color of the day ang 11-13-40-41 at avocado green.
LEO (Hul. 23-Ago. 22) Naaayon ang pagsasaliksik sa mga bagay na dapat malaman. Kung isa kang abogado na may ipinaglalabang kaso, kailangang magsunog ng kilay upang maipanalo ito. May pagkakataong makasagupa ng taong arogante o mainitin ang ulo. Kung mangyari ito, ipairal ang kahinahunan at malawak na pang-unawa at mahabang pasensya. Isang Capricorn ang magbibigay kasiyahan. Lucky numbers at color of the day ang 2-9-32-33 at red.
VIRGO (Ago. 23-Set. 23) Kung nag-aalinlangan sa gagawin, huwag matakot ituloy dahil magtatagumpay. Lakas ng loob at determinasyon ang kulang sa iyo. Kung magpapakatatag ay lalandasin ang tagumpay. Baguhin ang ugaling urong-sulong at siguradong magtatagumpay. Lucky numbers at color of the day ang 4-6-40-43 at aqua blue.
LIBRA (Set. 24-Okt. 23) Nasa pagitan ng dalawang direksyon: Sa trabaho o personal na lakarin. Kung mas matimbang ang lakad na pampersonal, ilagay sa ayos lalo kung namamasukan. Mag-file ng leave of absence nang hindi makuwestiyon. Lucky numbers at color of the day ang 18-19-39-40 at brown.
SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) Ngayon lakarin sa iyong boss ang matagal nang gustong mangyari. Madali ngayong mauunawaan at mapagbibigyan. Kung may kailangang mahalagang bagay sa magulang, kaibigan, kasamahan o kamag-anak, ito ang tamang araw para ito sabihin at hindi mapapahiya. Lucky numbers at color of the day ang 8-14-36-37 at jade green.
SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) Mabibigla sa sasabihin sa iyo dahil hindi sukat akalain na alam na pala ang iyong sikreto. Ang matagal nang itinatago ay may makatutuklas. Mahinahon na paliwanag ang kailangan upang hindi lumala ang sitwasyon. Huwag idaan sa galit ang paliwanag. Lucky numbers at color of the day ang 4-7-36-41 at canary yellow.