SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) Walang makukuha sa pagsama-sama sa mga taong may masamang bisyo. Kung nais umunlad, sumama sa mga taong mas mataas ang katayuan sa iyo at may magandang reputasyon sa lipunan. Lucky numbers at color of the day ang 14-16-31-39 at fuschia.
SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) Ang mga inaakala o inaasahan ay magkakatotoo. May pagkakataong makasagupa ng taong arogante o mainitin ang ulo. Kung mangyari ito, ipairal ang kahinahunan at malawak na pang-unawa at mahabang pasensya. Isang Capricorn ang magbibigay kasiyahan. Lucky numbers at color for the day ang 13-19-32-41 at indigo.
CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) Nasa pagitan ng dalawang daan at malilito kung ano ang dapat gawin dahil magkatulad na ikaw ay kailangan ng pamilya at trabaho. Sa ganitong sitwasyon, walang mas magandang pagbasehan ng desisyon kundi ang praktikal na paraan. Kung alin ang mas matimbang ang gawin dahil siyang dapat. Lucky numbers at color of the day ang 15-22-28-39 at light yellow.
AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) May mga makaiiritang bagay ang sasalubong sa iyo at kung papatulan ay buong araw na tataglayin ang init ng ulo. Huminga ng malalim at mag-relax muna bago pag-aralang mabuti ang mga bagay bago simulan ang dapat. Huwag magpadalus-dalos upang walang damdaming masaktan. Lucky numbers at color of the day ang 18-19-35-37 at violet.
PISCES (Peb. 19-Mar. 20) Huwag idaan sa dahas kung may gusto o kailangan. Relax! Dahan-dahan at idaan sa lambing ang pagsasabi ng pakay dahil lalong titingkad ang aura ng iyong karisma. Hindi mapahihindian ng sinuman kung may kasamang ngiti at lambing ang pakikipag-usap. Lucky numbers at color of the day ang 17-18-27-36 at old rose.
ARIES (Mar. 21-Abr. 19) Ang paghahanda sa okasyon ay hindi maiiwasan ngunit ang paggastos ng sobra sa budget ay dapat isaalang-alang. Tiisin ang gusto na hindi kaya ng bulsa. Huwag piliting lumipad kung kulang ang pakpak dahil tiyak ang pagbagsak. Lucky numbers at color of the day ang 13-22-23-35 at sky blue.
TAURUS (Abr. 20-May 20) Kung ayaw mapag-usapan, gumawa ng tama at huwag gumawa ng milagro. Atupagin nang maayos ang trabaho upang walang mapuna ang iba. Ilagay sa tamang oras ang pakikipagkuwentuhan. Hindi maiiwasan ang tsismisan ngunit piliin ang paksang may kabuluhan at hindi makasisira sa kapwa. Lucky numbers at color of the day ang 16-20-21-25 at canary yellow.
GEMINI (May 21-Hun. 21) Kabaligtaran sa inaasahan ang magaganap. Huwag umasa nang hindi masiphayo. Sikaping sa abot ng makakaya ay makagawa ng makabuluhang bagay kaysa umasa sa pangako. Sariling sikap ngayon at huwag iasa sa iba ang kailangan. Lucky numbers at color of the day ang 19-28-38-39 at pink.
CANCER (Hun. 22-Hul. 22) Kung may mapapaunlakan ngayon, tiyak may magsasabing napakabuti mong tao ngunit isa lang ang hindi mapagbigyan ay masama na ang sasabihin sa iyo. Mabuti pang wala na lamang paunlakan ngayong araw nang maiwasan ang samaan ng loob. Lucky numbers at color of the day ang 13-16-24-38 at jade green.
LEO (Hul. 23-Ago. 22) Katungkulan sa pamilya at trabaho, dagdag pa ang gastusin sa tahanan ang siyang pangunahing problema ngayon. Kung tutuusin ay masuwerte pa rin dahil may matatakbuhan at maaasahan, di tulad ng mga palabuy-laboy na nagsisikap pa ring mabuhay. Huwag mawalan ng pag-asa. Dagdagan lamang ang sipag, sikap at tiyaga. Lucky numbers at color of the day ang 9-10-22-23 at scarlet.
VIRGO (Ago. 23-Set. 23) Dahil sa pag-ibig, magiging masigla, maligaya at maraming magagandang bagay ang mapapasok sa isip. Himay-himayin ang bawat detalye at pangyayari sa nakaraan upang matuklasan kung tama o mali ang napiling ibigin. Walang masamang tuklasin muna ang kanyang buong pagkatao. Lucky numbers at color of the day ang 22-24-39-43 at yellow.