VIRGO (Ago. 23-Set. 23) Kung may pananagutan na sa buhay, huwag sayangin ang panahon sa paghanap ng kaligayahan sa kandungan ng iba dahil ito ang magiging daan sa pagkasira ng pamilya. Iwasang mamangka sa dalawang ilog at siguradong kapahamakan ang nasa dulo nito. Lucky numbers at color of the day ang 18-19-39-40 at brown.
LIBRA (Set. 24-Okt. 23) Suriing mabuti ang kahinaan at kalakasan dahil may banta na ang minamahal ay lalayo nang dahil sa kahinaan. Ang kahinaang dapat agapang palakasin upang manatili ang harmonya at kaligayahan. Bago mahuli ang lahat, dapat kumilos kaagad. Lucky numbers at color of the day ang 14-29-40-43 at aqua blue.
SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) Magpapaluwal ngayon ng pera dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Magiging depressed subalit malalampasan din ito. May mga bagay na magbibigay-hinanakit o problema na kung papansinin nang husto ay magiging emosyonal buong araw. Lucky numbers at color of the day ang 12-22-32-33 at red.
SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) Alagaan ang kalusugan dahil pangunahing sangkap ito sa paghahanapbuhay. Alam ng sarili ang masamang ugaling umiiral na kung babaguhin ay tiyak magbabago ang takbo ng buhay tungo sa kaunlaran. Maging totoo at prangka. Disiplina sa sarili ang taglayin sa bawat salita at kilos. Lucky numbers at color for the day ang 1-3-40-41 at emerald green.
CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) Malalagay sa isang alanganing sitwasyon kayat magpakahinahon sa halip na patulan ito. Ngayon pagsisisihan ang kapusukang nagawa. Mapipilitang bayaran ang inutang noon. Sa halip magalit, malaking tulong ang magpakumbaba. Lucky numbers at color of the day ang 17-19-29-37 at sky blue.
AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) Maging tapat sa minamahal. Kung mapapaunlakan ang paanyaya, makakasalamuha ang isang taong makatutulong sa iyo balang araw. Makakatagpo ang soulmate sa isang dadaluhang pagtitipon. Lucky numbers at color of the day ang 18-19-30-40 at blue.
PISCES (Peb. 19-Mar. 20) Kung hindi mag-iingat sa mga salita, makasasakit sa damdamin ng kapwa. May pagkakataong makasagupa ng taong arogante o mainitin ang ulo. Kung mangyari ito, ipairal ang kahinahunan at malawak na pang-unawa at mahabang pasensya. Isang Capricorn ang magbibigay kasiyahan. Lucky numbers at color of the day ang 2-3-39-42 at green.
ARIES (Mar. 21-Abr. 19) May disgrasyang magaganap kung hindi mag-iingat. Malaki ang maitutulong ng pagdarasal. Mag-ingat sa pagkilos sa tahanan o pinapasukan lalo kung hahawak ng matutulis at matatalas na bagay. Mag-ingat din sa mga babasaging bagay. Huwag padala sa sulsol ng iba o makinig sa mga tsismis. Lucky numbers at color of the day ang 14-27-33-40 at orange.
TAURUS (Abr. 20-May 20) Angkop lamang ang kikitain sa pangangailangan ngunit kung dadagdagan ang pagsisikap at pagtitiyaga ay magkakaroon ng sobra. Nakaamba ang isang di-magandang pangyayari kaya lubos na pag-iingat ang kailangan ngayon. Lucky numbers at color of the day ang 1-2-39-40 at red.
GEMINI (May 21-Hun. 21) Pag-aralang mabuti ang binabalak bago pumalaot. Iwasang sumugod kaagad na hindi pinag-isipan kung maganda o pangit ang resulta ng gagawin. Kung tiyak ang sarili, sumugod dahil tiyak maganda ang resulta. Kung may duda ay huwag nang ituloy nang walang pagsisihan. Lucky numbers at color of the day ang 3-13-35-39 at indigo.
CANCER (Hun. 22-Hul. 22) Huwag idaan sa dahas ang gusto dahil lalo lamang itong lalayo. Magsipag at magtiyaga at bogo mamalayan ay hawak na ang hangad. Sa mahinahong paraan makukuha ang ninanais at pagsisisihan lamang kung ipagpipilitang makuha ang gusto. Lucky numbers at color of the day ang 4-7-36-42 at mustard yellow.