Hunyo 10, 2005

GEMINI (May 21-Hun. 21) – Huwag itago kung anuman ang nararamdaman. Maging totoo sa kapwa at sa sarili. Walang masama kung ipagtatapat ang gusto lalo kung mabuti ang hangarin. Hindi makikita ang resulta sa gustong mangyari kung hindi isasagawa. Lucky numbers at color of the day ang 8-13-30-38 at midnight blue.

CANCER (Hun. 22-Hul. 22)
– Idudulot ng isang tao ang pagsibol ng iyong damdamin. Magigipit sa pera sa araw na ito. Mawiwili sa isang bagong tuklas ng siyensiya. Lucky numbers at color of the day ang 5-15-16-28 at turquoise.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Sabay kayong mangangarap ng minamahal tungkol sa maganda ninyong kinabukasan. Hindi mapapansin ang mga maliliit na bagay na dating nagpapairita sa iyo. Lucky numbers at color of the day ang 1-12-37-41 at dollar green.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Pareho ang damdamin n’yo sa isa’t isa ng sinisinta. Mabuting ipagtapat kaagad ito bago pa siya mawala sa iyo. Mawawalan ng pasensiya sa trabaho kaya malawak na pang-unawa ang dapat. Lucky numbers at color of the day ang 9-16-25-36 at blue.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Magiging maganda ang reaksyon ng katawan sa gamot na nainom. Magigipit sa isang transaksiyong pinasok. Maging matalino sa pagpili ng kaibigan. Lucky numbers at color of the day ang 3-19-29-33 at jade green.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Magiging madamdamin ang araw na ito. Mababagabag ang konsensiya sa mga maririnig na usap-usapan. Malalampasan ang mga ito pagkalipas ng ilang oras. Lucky numbers at color of the day ang 6-14-35-36 at purple.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Ngayon malalaman ang katotohanan ng iyong pag-ibig. Pag-ingatan ang mga maseselang bagay na ikukuwento tungkol sa trabaho o pag-ibig dahil mababansagang tsismosa kung magkataon. Lucky numbers at color for the day ang 2-19-27-35 at indigo.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Maging maalalahanin sa iyong kasuyo ngayon. Isang regalo o pasalubong ang marahil maiaabot sa iyo. Isang sorpresa ang naghihintay sa pagdating ng isang matagal nang kilala. Lucky numbers at color of the day ang 1-9-17-40 at lilac.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Malalagay sa alanganin ang samahan kung hindi mag-iingat. Magkakaroon ng alitan sa pamilya ngunit ito ay mabibigyan ng lunas sa bandang huli. Lucky numbers at color of the day ang 5-11-25-31 at avocado green.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Ngayon sasariwain ang mga bagay sa ginawang pabor sa iyo na nakalimutang pasalamatan. Gawin ito ngayon. Magiging abala sa pagkakaroon ng maraming gawain sa pinapasukan at maging sa tahanan. Lucky numbers at color of the day ang 12-22-38-40 at pearl white.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Magdiwang sa pagdating ng magandang kapalaran. Masayahin ang isang katangian na nagustuhan ng minamahal kaya huwag magsisimangot lalo sa araw na ito. Lucky numbers at color of the day ang 2-8-26-37 at magenta.

TAURUS (Abr. 20-May 20)
– Siguraduhing magiging maganda ang pagsuyo sa minamahal ngayong araw. Kakayanin ang mga nakapapagod na aktibidades ngayon. Bigyang-pangangalaga ang kalusugan. Lucky numbers at color of the day ang 1-15-29-36 at lavender.

Show comments