PISCES (Peb. 19-Mar. 20) Kung may balak, ituloy at huwag mag-alinlangan. Kung sa kasamaan ang binabalak ay huwag nang ituloy dahil matutuklasan din at ikaw ang mapapahiya at mapapahamak. Upang maiwasan ang di-magandang pangyayari, huwag paunlakan ang mga paanyaya ng kaibigan o barkada. Lucky numbers at color of the day ang 4-13-24-35 at pink.
ARIES (Mar. 21-Abr. 19) Madaling magpaunlak ang kamag-anak o kaibigan. Bigyan ng wastong pangangalaga ang kalusugan dahil madaling kapitan ng sipon, ubo o trangkaso. Iwasang mabasa ng ulan o matuyuan ng pawis ang likod sapagkat may kahinaan ngayon ang pulmon. Lucky numbers at color of the day ang 11-22-30-42 at gray.
TAURUS (Abr. 20-May 20) Walang maaasahang tulong mula sa kaibigan at kahit na kanino. Sariling sikap at kayod ngayon. Kung may kailangan, huwag lumapit sa iba dahil mapapahiya lamang. Ang maganda ay matuwa sa hindi inaasahang mangyayari. Lucky numbers at color of the day ang ang 5-10-23-42 at red.
GEMINI (May 21-Hun. 21) Mag-ingat dahil magiging malapit sa mga taong mapagsamantala. Maiiwasan ang di-magandang pangyayari kung magiging alerto at hindi magdidesisyon nang walang masusing pag-aaral. Huwag basta maniwala kahit kanino. Ipagpaliban ang anumang transaksyon o pakikipag-meeting. Lucky numbers at color of the day ang 16-29-36-37 at yellow.
CANCER (Hun. 22-Hul. 22) Maliksi ang katawan, maganda ang mood at isip. Walang magiging sagabal at tiyak matatapos ang gawain. Sa tahanan, susubukan ang iyong pasensiya sa bandang hapon o gabi. Ipairal ang kahinahunan nang walang masaktang damdamin. Lucky numbers at color of the day ang 4-7-16-32 at mint green.
LEO (Hul. 23-Ago. 22) Matatanggap ang gantimpala sa pagpapahalaga ng tungkulin o pagsunod sa mga payo ng magulang o nakatatanda. Magpakatotoo at matutong tumanggap sa katotohanan. Bigyang-pangangalaga ang kalusugan. Lucky numbers at color of the day ang 3-17-26-38 at lemon green.
VIRGO (Ago. 23-Set. 23) May pagkakataong makasagupa ng taong arogante o mainitin ang ulo. Kung mangyari ito, ipairal ang kahinahunan at malawak na pang-unawa at mahabang pasensya. Isang Capricorn ang magbibigay kasiyahan. Lucky numbers at color of the day ang 6-11-23-33 at lavender.
LIBRA (Set. 24-Okt. 23) May kalutasan ang matagal nang gumugulo sa isipan at bumabagabag sa damdamin. Ang taglay na talino at mabilis na pagkilos ay siyang magliligtas sa mga taong sasalungat. Mag-dobleng ingat at malamang may kaibigang magtraydor. Lucky numbers at color of the day ang 6-11-28-36 at avocado green.
SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) Sa gawa at wala sa salita makikita ang sukatan ng tunay na pag-ibig. Kung ang manliligaw ay magbigay ng bulaklak o chocolate, huwag nang pakawalan dahil magiging matamis at maligaya ang relasyon. Sa mga may asawa, kung may uwing pasalubong ang minamahal ay magiging mas matatag ang pagsasama. Lucky numbers at color of the day ang 5-9-27-35 at blue.
SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) Sa tiyaga at sipag makakamit ang tagumpay. Sa mga tatamad, kahirapan pa rin ang daranasin. Kung gustong umangat sa kahirapan, dobleng sipag at pagtitiyaga ang dapat gawin. Kung may planong gawin para sa kaunlaran, simulan ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 7-16-26-36 at brown.
CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) Sa mga mag-aapply ng trabaho, lalo kung patungong abroad, inaayunan ng panahon kung lalakarin sa umaga. Ang mga lakarin sa hapon ay huwag nang ituloy dahil mag-aaksaya lamang ng oras at panahon. Aksyon ang dapat at hindi panay salita. Lucky numbers at color of the day ang 4-13-21-38 at yellow.