LIBRA (Set. 24-Okt. 23) Isiping mabuti kung ano ang gustong gawin. Huwag magpadalus-dalos ng desisyon dahil malakas ang magneto ng pagkakamali. Isa-isahin ang hakbang hanggang sa tuluyang makamit ang gusto. Kumunsulta sa minamahal, kaibigan o kasambahay tungkol sa binabalak. Lucky numbers at color of the day ang 6-15-34-41 at green.
SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) Marunong ka ngayong makisama at makibagay. Ito ang gusto ng mga kaibigan at kasamahan na ikagugulat nila pero ikatutuwa naman. Panatilihin ang ganitong ugali dahil lalong darami ang magiging kaibigan. Panahon sa pagbabago ng ugaling masungit. Lucky numbers at color of the day ang 8-23-35-40 at red.
SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) Huwag mahiyang magsabi kung may problema. Walang mangyayari kung sasarilinin ang problema. Kumunsulta sa higit na nakakaalam o nakakatanda kung kinakailangan. Lucky numbers at color for the day ang 10-23-34-40 at maroon.
CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) Pinagpaguran mo ang lahat ng anumang mayroon ka at natural lamang na proteksyonan at pangalagaan ito. Mag-ingat dahil malakas ang banta na may mawala o may mangyaring hindi kanais-nais. Huwag magpadala sa emosyon upang hindi lumayo ang suwerte. Lucky numbers at color of the day ang 12-24-36-42 at violet.
AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) Anuman ang gawin ay tiyak maganda ang magiging resulta dahil positibo ang isip. Iwasang magtaray dahil sa halip na dumami at madagdagan ang kaibigan ay makakaalitan pa sila. Bigyang-pangangalaga ang kalusugan. Lucky numbers at color of the day ang 13-26-39-45 at yellow.
PISCES (Peb. 19-Mar. 20) Huwag sayangin ang oras sa pag-iisip. Simulan ang gawain at makikitang magiging masaya ang bawat saglit na gugugulin dito. Nasa panig ang katwiran na inaayunan ng pagkakataon kaya walang dapat alalahanin maliban kung maging negatibo ang sarili. Lucky numbers at color of the day ang 8-16-23-37 at orange.
ARIES (Mar. 21-Abr. 19) Hindi kailanman mabuti ang mabuhay sa mundo ng pagkukunwari dahil walang ibang niloloko kundi ang sarili. Huwag itago ang tunay na nararamdaman. Kung nalulungkot o nasasaktan, walang dahilan upang magkunwaring masaya at hindi naaapektuhan. Maging tapat sa sarili at kapwa. Lucky numbers at color of the day ang 8-12-30-42 at brown.
TAURUS (Abr. 20-May 20) Anumang hamon ang dumating ay kayang harapin kung positibo ang isip. Pinakamabisang paraan upang malabanan ang takot ay magkaroon ng positibong isip. Kahit ano ang mangyari ay magiging maayos ang resulta sa anumang ginagawa o gawain sa positibong isip. Lucky numbers at color of the day ang 7-19-25-44 at white.
GEMINI (May 21-Hun. 21) Kung sisiliping mabuti ang madilim na lungga ng kahirapan, may makikitang liwanag sa bandang dulo. Kung hindi mawawala ang pag-asa, pagtitiyaga, pagsisikap at panalangin, tiyak magkakaroon ng magandang liwanag ang kinabukasan. Simulan ngayon ang pagpaplano. Lucky numbers at color of the day ang 4-13-25-31 at burgundy.
CANCER (Hun. 22-Hul. 22) Huwag mag-panic. Ang sobrang pagkataranta o pagmamadali ay lalong magdudulot ng hindi magandang resulta. Ayusin ang problema sa paraang maayos at mahinahon. Maaayos ang suliranin ngayon. Lucky numbers at color of the day ang 4-10-26-30 at orange.
LEO (Hul. 23-Ago. 22) Utak at pag-iisip ang paganahin, hindi ang emosyon. Bagamat totoo na sa pag-ibig, higit na may kapangyarihan ang puso kaysa isip. Alamin kung paanong ang puso at isip ay balanseng magagamit. Huwag padala sa sulsol ng iba. Magtanong sa nakatatanda kung may pagdududa. Lucky numbers at color of the day ang 2-20-34-41 at brown.