LEO (Hul. 23-Ago. 22) Duda sa sarili kung ano ang dapat gawin. Hingin ang opinyon ng higit na nakakaalam dahil nasa pagitan ka ng pagkakamali at tama dala ng kalituhan. Huwag magpadalus-dalos sa desisyon. Ang akalang mabuti ay posibleng maging mali pala. Lucky numbers at color of the day ang 2-6-19-33 at tangerine.
VIRGO (Ago. 23-Set. 23) Isang Capricorn ang magbibigay ng kasiyahan. May pagkakataong makasagupa ng isang taong arogante o mainitin ang ulo. Kung mangyari ito, ipairal ang kahinahunan, haba ng pasensya at pang-unawa. Lucky numbers at color of the day ang 9-13-37-41 at apple green.
LIBRA (Set. 24-Okt. 23) Kung matamlay o masama ang pakiramdam, paniningil lamang ito sa pag-abuso o pagbalewala sa kalusugan. Simulan ngayon ang pagbibigay-halaga sa kalusugan nang walang pagsisihan sa bandang huli. Lucky numbers at color of the day ang 5-8-25-36 at sky blue.
SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22) Maaaring lumaki ang munting problema kung hindi kaagad aaksyunan na ito ay masolusyunan. Huwag hayaang makaalpas ang magandang pagkakataong darating dahil minsan lang itong kumatok sa buhay. Lucky numbers at color of the day ang 18-28-30-38 at lavender.
SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21) Kung may makasagupa na walang paggalang, ito ay larawan lamang ng sariling gawain. Panahon ng pagbabago ng masamang ugali upang matamo ang paggalang at respeto ng kapwa. Alam ng sarili kung ano ang hindi magandang ginagawa. Kung babaguhin ngayon, may suwerteng darating. Lucky numbers at color for the day ang 5-9-28-39 at jade green.
CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19) Walang magiging problema sa maghapon maliban sa pagkaranas ng pagod o pananakit ng katawan. Iwasang sumama sa paanyaya ng kaibigan nang hindi magsisi sa bandang huli. Iwasan din ang magsugal at tiyak matatalo. Kung nanaginip ngayong araw ay kabaligtaran nito ang magaganap. Lucky numbers at color of the day ang 8-14-28-38 at beige.
AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18) Magandang gantimpala ang matatanggap sa mga nagawang kabutihan. Sa nakagawa naman ng masama, karma ang kabayaran nito ngayon. Huwag padala sa bugso ng damdamin. Bigyang-pangangalaga ang kalusugan. Lucky numbers at color of the day ang 5-12-23-31 at white.
PISCES (Peb. 19-Mar. 20) Kung may lakad o lalakarin, gawin sa umaga upang magtagumpay. Iwasan ito pagkalipas ng tanghali dahil walang mapapala at mag-aaksaya lamang ng oras at panahon. Huwag manghiram o magpahiram ng anumang bagay dahil hindi na ito maibabalik pa. Lucky numbers at color of the day ang 2-22-24-34 at violet.
ARIES (Mar. 21-Abr. 19) Kung inaasahang suportado ng boss o sinumang nakatataas, nagkakamali dahil wala kang makukuhang suporta kahit kanino ngayon. Sariling sikap at diskarte mo sa lahat ng bagay ang mangyayari sa araw na ito. Kung may reklamo, mungkahi o suhestiyon, huwag gawin ngayon. Lucky numbers at color of the day ang 14-22-29-34 at pink.
TAURUS (Abr. 20-May 20) Kung positibo ang isip, hindi magkakamali sa mga gagawin lalo na kung may pagdidesisyunan. Malamang isang Pisces ang makapagbigay ng kasiyahan. Mag-ingat at baka isang Sagittarius naman o Cancer ang magbigay ng hinanakit o sama ng loob. Lucky numbers at color of the day ang 13-20-25-42 at green.
GEMINI (May 21-Hun. 21) Magpakatotoo, prangka at tapat. Disiplina sa sarili ang taglayin sa bawat salita, kilos at gawa. Alam ng sarili ang masamang ugali na kung babaguhin ay tiyak magbabago ang takbo ng buhay patungo sa kaunlaran. Lucky numbers at color of the day ang 1-25-27-34 at golden yellow.