^

Bansa

Cayetano kontrolado DPWH ops sa Taguig - Lacson

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Cayetano kontrolado DPWH ops sa Taguig - Lacson
Taguig City is the ninth most populous area in the country.
Philstar.com / File

MANILA, Philippines — Inakusahan ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson si Sen. Alan Peter Cayetano na kontrolado umano ang operasyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Taguig City.

“Ang kalakaran sa Taguig, virtually controlled ng isang tao. Walang makakagalaw doon na hindi alam ni Cayetano. Yan ang kalakaran,” ani Lacson sa panayam sa radyo.

Ayon kay Lacson, nakatalaga na umano nang maaga ang mga proyektong pang-imprastraktura sa mga paboritong contractors. Sabi pa ni Lacson, nabuo na nila ang money trail, natukoy ang daloy ng mga kickback mula sa mga proyektong pang-imprastraktura.

“Sabi niya walang flood control anomaly or ghost projects. Bahala siya, yan ang kanyang claim. Pero records and documents say otherwise,” ani Lacson.

Malala rin umano ang katiwalian sa Taguig City Hall na may hindi bababa sa isang empleyado na kayang magkaroon ng net loss na P510 milyon sa sugal mula 2014 hanggang 2026.

“Kung ang isang employee ng city hall sa 14 taon nakapagpatalo ng P510M paano na ang principal?” aniya.

Wala namang binanggit na pangalan si Lacson kaugnay sa empleyado na nakapagpatalo umano ng P510 milyon mula 2014 hanggang 2026.

DPWH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with