Remulla, ipinagpaliban biyahe sa France

MANILA, Philippines — Hindi muna matutuloy ang nakatakdang biyahe ni Interior Secretary Jonvic Remulla sa France upang i-follow up ang red notice request sa Interpol laban kay dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co.
Ayon kay Remulla, kailangan niyang tutukan ang insidente ng pamamaril sa Banga National High School sa South Cotabato, gayundin ang mga dokumentaryong rekisito na hinihingi ng Interpol.
“In light of this and other documentary requirements by Interpol, I will have to delay my trip to France by two weeks or three weeks to finish this, to finish the legislation and to finish the documentary requirements asked of me,” ani Remulla.
Dagdag pa niya, makikipag-ugnayan siya sa Department of Education upang makagawa ng guidelines na makaiiwas sa pag-uulit ng ganitong insidente sa mga paaralan.
Tiniyak din ni Remulla na muling magsasampa ng red notice laban kay Zaldy Co at personal na pupunta sa Lyon, France para i-follow up ang naturang request sa Interpol.
Ang Interpol red notice ay isang international request sa mga law enforcement agencies upang mahanap at maaresto ang isang indibidwal na pinaghahanap ng batas.
- Latest



















