DILG hihingin sa SC na payagan ‘pasukin’ bahay ng gun owners

MANILA, Philippines — Hihilingin ni DILG Secretary Jonvic Remulla sa Korte Suprema na payagan ang Philippine National Police (PNP) na magsagawa ng inspeksyon sa mga bahay ng may lisensiyadong baril.
“There has to be the right for the state to inspect the gun owners’ premises kung tama ang storage nila ng baril,” pahayag ni DILG Secretary Jonvic Remulla.
Ang panukala ay kasunod ng pamamaril ng isang 16-anyos na estudyante sa Banga National High School sa South Cotabato na ikinasawi ng tatlo.
Ayon kay Remulla, rehistrado sa ama ng suspek ang ginamit na armas. Ang ama, isang opisyal ng Department of Education, ay may tatlong lisensiyadong baril na hindi maayos ang pagkakatabi kaya nakuha ng bata.
“Mayroon siyang tatlong licensed firearms na hindi secured enough na nabuksan ng bata at kinuha ‘yung baril,” dagdag ng kalihim.
Muling itinulak ng DILG ang house inspection para sa mga gun owners upang masuri at matiyak kung maayos ang pagtatago ng mga lisensiyadong baril sa mga tahanan ng gun owners.
“Remember, the right owning a firearm in the Philippines is not shining in the Constitution. It is not a right but a privilege. And that privilege has to come with responsibility and accountability,” ani Remulla.
- Latest

















