^

Probinsiya

Improvised fireworks sumabog: 3 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlo katao kabilang ang dalawang menor-de-edad ang sugatan makaraang sumabog ang isang improvised fireworks sa Rosario Village, Brgy. Lagao, General Santos City kamakalawa ng hapon.

Nilalapatan ng lunas sa opsital ang mga biktima na sina Romeo Bacumo Tag-at, 31-anyos, na nagtamo ng matinding pinsala sa pagsabog at dalawang minor na kap­wa 13-taong gulang.

Sa report, naganap ang insidente alas-5:20 ng hapon nitong Lunes sa kahabaan ng Molave Street, Rosario Village, Brgy. Lagao.

Lumilitaw sa imbestigasyon na improvised lamang at mali ang pagkakagawa ng nasabing mga paputok na nahaluan ng pulbura bunsod upang lumikha ng malakas na pagsabog nang sindihan.

Mabilis na nag­responde ang emergency team ng lungsod at isinugod sa pagamutan ang mga biktima para malapatan ng lunas.

ACCIDENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with