^

Probinsiya

65K nasalanta ni ‘Marce’ sa hilagang Luzon

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa 65,610 katao ang naapektuhan, isa ang sugatan at isa pa ang nawawala sa pananalasa ng bagyong Marce sa hilagang Luzon partikular na sa Cagayan at Batanes, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Sabado.

 Sa report ng NDRRMC, ang nasugatan at nawawala ay pawang mula sa Region 1 na kanilang beneberipika pa kabilang ang pagkakakilanlan sa mga ito.

 Nasa 21,273 na pamilya o kabuuang 65,610 katao ang naapektuhan ng bagyong Marce na nanalasa sa hilagang Luzon.

Sa nasabing bilang nasa 8,319 pamilya o kabuuang 24, 369 mga indibidwal ang nanatili naman sa 365 evacuation centers habang nasa 3,810 na mga pamilya o 12,498 katao ang nasa labas ng mga evacuation centers. 

Ayon sa NDRRMC ang mga naapektuhang residente ay mula sa Regions 1, 2 at Cordillera Administrative Region (CAR). Ang mga pag-ulan na ibinuhos ng bagyong Marce ay nagdulot ng tatlong insidente ng landslide.

 Samantala, nasa 41 kalsada at 24 tulay ang naapektuhan ng kalamidad kung saan nasa 11 pa lamang na kalsada ang maaaring madaanan habang patuloy ang clearing operations sa iba pang mga apektadong lugar. 

Iniulat pa ng NDRRMC, nasa 57 lungsod at munisipalidad ang nagkaroon ng aberya sa supply ng kuryente dulot ng paghagupit ng bagyong Marce sanhi ng malalakas na pag-ulan. Nasa 273 kabahayan sa Regions 1, 2 at CAR ang napinsala kabilang dito ang anim na bahay na tuluyang nawasak sa hagupit ng bagyo.

NDRRMC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with