^

True Confessions

Hiyasmin (93)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Nang sumapit ang ala-una ng hapon ay kumulimlim kaya naghanda na sina Dax at Hiyasmin na umalis.

“Habang ­maaga pa ay umalis na kayo at baka abutin pa ng ulan,’’ sabi ng nanay ni Dax.
“E kailan n’yo balak magtungo sa bahay?’’ tanong ni Dax sa nanay.

“Kapag magaling na ang tuhod ng tatay mo. Baka mga dalawang ­linggo pa bago mawala ang pamamaga.’’

“Susunduin ko kayo o pupunta na lang kayo?’’

“Darating na lang kami. Huwag mo na kaming sunduin.’’

“Sige.”

Nang aalis na ang dalawa ay may sinabi si Nanay kay Hiyasmin.

“Sa pagpunta na lamang namin saka ko ibibigay ang resipe sa pagluluto ng masarap na kare-kare, Hiyasmin.’’

“Opo Nanay. Aalis na po kami,’’ sabi ni Hiyasmin at humalik kay Nanay. Nagmano naman kay Tatay.

“Mag-ingat kayo,’’ sabi ni Nanay.

Nagtaksi sila pauwi. Sa halip na dumeretso sa bahay, sa isang mall sila nagtuloy.

“Sa restaurant na tayo kumain para hindi na ­magluluto.”

“Sige po Sir Dax.’’

“May alam akong Japanese restaurant na nagsi-serve ng salmon steak. Dun tayo kakain ng hapunan mamaya.’’

Tumango si Hiyasmin.

Namasyal muna sila sa mall. Nagtungo sa bookstore at bumili ng libro si Dax. Bumili naman ng ilang gamit sa school si Hiyasmin.

Binayaran ni Dax ang lahat nang pinamili. Lumabas sila at tinungo ang Japanese restaurant malapit lang sa bookstore.

Nang malapit na sila sa restaurant, may nakita si Hiyasmin sa di-kalayuan.

“Parang kilala ko ang naglalakad na yun, Sir Dax!’’

“Sino? Yung lalaking may kasamang babae?’’

“Opo!’’

“Sino yun?’’

“Ang stepfather ko!’’

(Itutuloy)

vuukle comment

HIYASMIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with