Hiyasmin (89)
“Ako hindi ninyo nami-miss?’’ nakatawang sagot ni Dax sa kanyang nanay.
“Nami-miss din pero mas nakaka-miss si Hiyasmin dahil napakasarap magluto. Gaya ngayon, nagluto siya ng binakol. Ang dami kong nakain.’’
“Gaano kasarap Nanay?’’
“Masarap. Halika, kumain ka na.’’
Ipinaghain ni Hiyasmin si Dax.
Tinikman ni Dax ang binakol.
“Ang sarap nga! Mawiwili nga rito si Nanay,” sabi nito.
“O di ba masarap?’’
Nagpatuloy sa pagkain si Dax.
Nagpatuloy naman sa pagkukuwentuhan sina Nanay at Hiyasmin. Ang tatay ni Dax ay walang imik at nakikinig lang sa kuwentuhan.
Habang kumakain, naisip ni Dax na talagang nahulog ang loob ng kanyang nanay kay Hiyasmin. Puring-puri talaga si Hiyasmin. Ngayon lang naging ganito ang kanyang nanay na dati ay istrikta at mataray.
Mahusay din kasing makisama si Hiyasmin kaya madaling kinalugdan ng nanay ni Dax.
Palagay ni Dax, magpapatuloy ang magandang samahan ni Hiyasmin at Nanay niya. Mas mahal pa yata ni Hiyasmin ang nanay niya kaysa sa tunay nitong ina.
Dalawang linggong namalagi ang nanay at nanay ni Dax. At nang uuwi na ay para pang gustong maiyak ng nanay niya. Mami-miss daw nito si Hiyasmin.
“E di bumalik uli kayo next week. Susunduin ko kayo.’’
Payag ang dalawang matanda.
Nang makaalis ang dalawa, kinausap ni Dax si Hiyasmin.
“Ang lakas mo talaga sa nanay ko, Hiyasmin!’’
“Bakit Sir Dax.’’
“Bigyan daw kita ng allowance para ka may magastos!’’
(Itutuloy)
- Latest