VP Sara: Hatol ng impeachment court, tanggap ko

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Vice Pres. Sara Duterte na anuman ang kahinatnan ay tatanggapin niya ang magiging hatol ng Senate impeachment court sa kinakaharap niyang impeachment trial.
“We will accept whatever it is that the judgement of the Senate impeachment court will give for the impeachment trial. We will all have to live with the consequences of this,” ayon kay VP Sara, sa isang pulong balitaan.
Kaugnay nito, hindi naman nagbigay si VP Sara ng direktang tugon kung dadalo siya sa pagbababa ng Senate impeachment court ng hatol sa kanyang kaso.
“It depends. If I’m in Davao, then no because we have a series of activities for Davao thanksgiving naman for December,” aniya.
Kaugnay nito, ibinunyag ni VP Sara na nais sana niyang katawanin ang kanyang sarili para sa impeachment ngunit hindi siya pinahintulutan ng kanyang mga abogado.
“Ilang beses na ako nagsabi sa kanya na, ‘Michael Poa, allow me to enter my appearance for myself, allow me to lawyer for myself and stand there as a lawyer,’” aniya pa. “Hindi niya talaga ako pinapansin at all. Somehow, nililihis niya yung usapan.”
Matatandaang kasalukuyang umaarangkada ang impeachment trial laban kay VP Sara.
Sakaling ma-convict, inaasahang matatanggal sa puwesto si VP Sara at hindi na pahihintulutan pang makapuwesto sa pamahalaan.
Nangangahulugan ito na maaaring hindi na matuloy ang planong pagtakbo ng bise presidente sa 2028 presidential election.
- Latest





















