^

Punto Mo

Babaing may 2 tumor sa breast pinagaling ni St. Charbel! (Last Part)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

WALANG nakitang bukol sa breast ng kaibigan kong si Božena makaraang isailalim sa test. Nangyari iyon, maka­raan kong pahiran ng Blessed oil ni St. Charbel si Božena kasabay ng aking pagdarasal.

Naglaho ang dalawang­ bukol sa breast. Maging ang doktor ay manghang-mangha sa resulta.

Tinanong pa si Božena kung ano ang ginawa at na­wala ang dalawang tumor.

Sagot ni Božena, dahil sa pinahid na blessed oil ni St. Charbel sa dibdib. Pagkatapos ay nagpakita sa kanyang panaginip ang mapaghimalang santo. Nawala na ang lahat nang sakit na kanyang nararamdaman.

Hindi raw makapaniwala ang doktor kaya nagsagawa ng bagong biopsy sa dating bahagi ng breast na kinaroro­onan ng tumor.

Nang lumabas ang resulta, walang nakitang tumor!

Magaling na nga si Božena! At lahat nang iyon ay dahil sa intercession ni St. Charbel!

Hindi lamang si Božena ang labis na natuwa sa kanyang mahimalang paggaling—kundi ako rin. Wala akong ibang hiniling kay St. Charbel kundi ang gumaling siya.

Makalipas ang ilang araw, magkasama kaming nagtungo ni Božena sa Annaya, sa tomb ni St. Charbel para magpasalamat sa ginawa niyang healing sa aking kaibigan.

Dala namin medical report na nagpapakitang wala nang cancer sa breast si Božena.

Na-register ang himala kay Božena noong Agosto 30, 2023.

PRAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with