^

PM Sports

UE ikakasa back-to-back wins vs UST

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inspiradong maglalaro ang University of the East laban sa University of Sto. Tomas sa UAAP Season 89 collegiate men’s basketball tournament na lalaruin sa Smart Araneta Coliseum ngayong araw.

Ito’y dahil natuldukan ng Red Warriors ang mahigit dalawang taon na tagtuyot sa panalo.

Magsisimula ang banatan ng UE at UST sa alas-2:30 ng hapon, sunod ang bakbakan sa pagitan ng Adamson University at A­teneo de Manila University sa alas-5.

Winakasan ng UE ang kanilang 30-game lo­sing streak matapos nilang katayin ang Adamson University, 53-47 noong Sabado kung saan ay hinugutan nila ng lakas sina Toper Lagat at Mo Tañedo.

Naglaro nang walang pressure, tinapos ng UE (1-10) ang ikalawang pinakamahabang losing streak sa liga.

Target naman nga­yon ng Red Warriors na makakuha ng back-to-back na panalo sa unang pagkakataon.

Samantala, muling ipaparada ng Red Warriors sina Lagat at Tañedo na pagkukuhanan nila ng lakas sa opensa.

UAAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with