^

PM Sports

EAC swak sa quarterfinals

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinalawit ng Emilio Aguinaldo College ang No. 2 seeding sa Group B sa team standings matapos nilang sagasaan ang Arellano University, 102-93 kagabi sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament na nilaro sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Nirehistro ni EJ Castillo ang 23 points at apat na rebounds para sa Generals na may 7-6 karta sapat para makasiguro ng bonus sa quarterfinals.

Tabla ang iskor sa 30- all sa pagtatapos ng first canto, maagang nag-init ang opensa ng pambato ng Generals na si Jude Bagay na tumikada agad ng 15 puntos.

Kumalas ang EAC sa second quarter, nahawakan nila ang walong puntos na bentahe, 64-56 sa halftime kung saan ay nakatuwang naman ni Bagay si Wilmar Oftana sa opensa.

Bumira si Kyle Ochavo ng and 1 play para ikahon ang 10-point lead, 98-88 may 1:12 minuto na lang sa orasan sa payoff period.

Hindi na rin nakahabol ang Chiefs matapos magbaon si Shanoda ng panel­yong tres para masikwat ng Generals ang importanteng panalo.

NCAA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with