Kuryente sa albay pinalakas, ginawang moderno
Ligao City, Albay, Philippines — Mas malakas na ang daloy ng kuryente sa Albay, bihira na ang magiging brownout at ginawa pang moderno ang operasyon matapos ang energization kamakalawa ng dalawang 20-MVA sub-station ng Albay Electric Cooperative na may supervisory control and data acquisition (SCADA) system sa Brgy. Dunao, Ligao City.
Ang bagong 20-MVA sub stations sa Ligao City na may Scada ay i-o-operate sa pamamagitan ng remote monitor at control system, at makukuha na nito real-time ang lahat ng impormasyon hinggil sa operasyon ng lahat ng sistema.
Bahagi ito ng first phase sa major rehabilitation na ginagawa sa Aleco ng National Electrification Administration. Magpapalakas ito ng boltahe ng kuryente sa 6 na bayan at isang lunsod sa third-district.
Ayon kay NEA deputy administrator for technical services Engr. Wilfredo Bucsit may kabuuang 1.2 bilyong piso ang pagsasaayos ng Aleco. Nagpapasalamat umano sila ni administrator Antonio Mariano Almeda dahil sa napakalaking budget na inilaan ng Ako Bicol Partylist. Anya, kung hindi napaglaanan ng malaking pondo ay lalong lumala sana ang serbisyo ng kooperatiba dahil sa mga luma at delapidated na ang sub stations, ekipahe, pati ang mga kable.
- Latest

















