^

Probinsiya

Tumanggi sa sex muna bago utang, bebot nilaslas leeg

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

BAGUIO CITY, Philippines — Pinag­hahanap na ng pulisya ang isang lalaki mula sa Bulacan na umano’y dumukot sa isang babae, lumaslas sa kanyang leeg at nagdala sa kanya sa Baguio City.

Ayon kay Baguio Police Director Col. Nixon L. Laoyan, nagsimula ang insidente nang mangutang umano ng P200,000 ang biktima sa suspek sa Pulilan, Bulacan.

Sa halip na pautangin ang babae, iginiit umano ng suspek na makipagtalik muna ito kapalit ng perang hinihiram. Nang tumanggi ang biktima, nilaslas umano ng suspek ang kanyang leeg. Sa kabila ng tinamong sugat, nagawa ng biktima na makatakas, at humingi ng tulong sa mga pulis sa View Deck sa Camp 7, kung saan niya iniulat ang insidente.

Agad siyang dinala sa ospital at kasalukuyang nasa maayos at stable na kondisyon. Sinabi ni Laoyan na natagpuan ang sasakyang ginamit ng suspek, isang AUV single cab, sa gilid ng kalsada malapit sa Lion’s Head sa Camp 7.

Patuloy na tinutugis ng mga pulis sa Baguio sa pakikipag-ugnayan sa kapulisan ng Pulilan, Bulacan sa suspek.

Hindi pa rin matukoy kung bakit dinala ng suspek ang biktima hanggang Baguio City, ayon kay Laoyan.
 

LAOYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with