^

PSN Palaro

Simmers, Medina kampeon sa WSL sa Siargao

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Simmers, Medina kampeon sa WSL sa Siargao
Dinomina ni American world No. 6 Caitlin Simmers ang World Surf League (WSL) Championship Tour Philippines Pro.
PSC Photo

MANILA, Philippines — Itinanghal na kampeon sina Caitlin Simmers at Gabriel Medina sa kani-kanyang dibisyon sa kauna-unahang World Surf League (WSL) Championship Tour Philippines Pro kahapon sa Cloud 9 sa Siargao.

Pinataob ng American world No. 6 na si Simmers si Australian surfer Isabella Nichols sa pamamagitan ng 12.00-10.77 desisyon upang makuha ang korona sa women’s division.

Nakapasok si Simmers sa finals nang pataubin nito si world No. 2 Carissa Moore sa semifinals.

Natapos ang kampanya ni Moore makaraang mapatawan ng Interference Penalty 2.

Sa kabilang banda, umusad naman si Nichols sa finals nang payukuin nito ang kababayang si Australian Tyler Wright sa hiwalay na semis match sa event na itinaguyod ng Philippine Sports Commission (PSC) at suportado nina Surigao del Norte Gov. Robert Lyndon Barbers, General Luna Mayor Johnson Sajulga at Vice Mayor Romina Sajulga.

Sa men’s finals, namayagpag ang Brazilian world No. 4 na si Medina laban kay Australian Jack Robinson.

Naitarak ni Medina ang matikas na 16.93 puntos kumpara sa naitala ni Robinson na 14.50 puntos.

Nakuha ito ni Medina mula sa 9.43 sa opening wave at 7.50 sa second wave.

Nagsumite naman si Robinson ng 8.23 at 6.27 para magkasya sa runner-up.

Nauna nang ginulantang ni Medina si world No. 1 Yago Dora sa semifinals para masiguro ang pagpasok sa championship round.

Nanaig naman si Robinson sa kababayang  si Ethan Ewing sa hiwalay na semis game.

Naibulsa nina Medina at Simmers ang tuma­taginting na $80,000 para sa kanilang kampeonato.

Nagkasya naman sina Robinson at Nichols sa $40,000 runner-up purse.

Magbubulsa naman sina Filipino bets John Mark “Marama” Tokong at Jayuard Alciso ng tig-$14,000 habang si Noah Arkfeld ay may $13,000. Mag-uuwi naman si Filipina surfer Mara Lopez ng $13,500.

GABRIEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with