^

PSN Opinyon

Perfect place for family bonding...Sisay Integrated Farm

ANG MAGSASAKANG REPORTER - Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko po sa inyo ang isang integrated farm na perfect place for family bonding dahil ang ganda at napaka-peaceful na lugar.

Ang aking tinutukoy ay ang dalawang ektaryang Sisay Integrated Farm na makikita sa Area E, Purok 4, Barangay Paradise, San Jose Del Monte, Bulacan.

Ang nasabing farm ay pag-aari ni Evelyn Esposo na nasa medical field pero nag-venture into farming dahil sa kanyang pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan.

Ayon kay Evelyn, noong una ay libangan lamang nilang mag-asawa ang pagtatanim ng gulay at prutas pero marami sa kanilang lugar ang bumibili ng kanilang sariwang ani.

Kaya ang dating libangan ay isa na ngayong umuunlad na negosyo na puwedeng mag-pick and pay ang mga bumibili.

Sinabi ni Evelyn, maraming pagsubok din silang pinagdaanan pero hindi sila sumuko.

“Ang isa sa mabigat na pagsubok ay noong kunin na ng Panginoon ang mister ko kaya muntik ko nang naibenta ang aming farm,” ani Evelyn.

Pero sa halip na sumuko ay lalo pang pinagbuti at pinaganda ni Evelyn ang kanilang farm at nagpatayo na rin ng ilang private cabins na maaaring mag-stay at mag-bonding ng overnight ang mga pamilya na gustong mamasyal at matulog sa kanilang lugar.

Bawat cabin ay good for 4-6 pax na may mini pool at puwedeng mag-pick and pay, experience farm tour, trekking area, access parking, game room, bonfire, at may malinis na common comfort room at kitchen.

Habang nagba-bonding ay maaaring manungkit ng bunga ng fresh buko, mag-harvest ng fresh lettuce at marami pang tanim, mag-feed ng mga alagang baboy at iba pang hayop.

Narating ko na at ang aking team sa Masaganang Buhay ang magandang Sisay Integrated Farm kaya masasabi kong “Perfect place for family bonding at magkakaroon kayo ng peaceful night sa inyong pag-stay.

Sa mga nais magpa-book o mag-inquire, magpadala lamang po kayo ng mensahe sa kanilang page na Sisay Integrated Farm.

Ngayong Linggo, November 8, 2026 ay mapapanood ninyo ang aking interview kay Evelyn Esposo sa TV show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay na ngayon ay Season 24 na.

Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group of Publications.

Tumanggap na ng iba’t ibang parangal at pagkilala mula sa gobyerno at NGO at ang latest ay noong June 7, 2026 na ginawaran bilang Lifetime Achievement Award Innovation and Advocacy in Sustainable Agriculture and Urban Gardening ng Dangal ng Lahing Pilipino ang Magsasakang Reporter at Child-Friendly TV program nitong October 27, 2026.

Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197. 

STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with