EAC Generals lusot sa Perpetual Altas sa overtime
MANILA, Philippines — Sinandalan ng Emilio Aguinaldo College ang mainit na opensa ni Jude Bagay para sikwatin ang 92-89 overtime win kontra University of Perpetual Help System DALTA sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament kahapon sa San Andres Gym sa Maynila.
Nagtala si Bagay ng 26 points, dalawang rebounds at dalawang steals para sa tulungan ang Generals na ilista ang 5-6, habang nalasap ng Altas ang pang-walong talo sa 11 laro.
Nakuha ng Perpetual ang 49-47 halftime lead bago pumutok ang EAC sa third quarter para agawin ang 74-67 abante.
Nakadikit ang Altas sa 81-83 sa huling 14 segundo ng fourth period, pero nakadiskarte si Jim Corpuz para ihatid ang Generals sa extra period, 83-83.
Naging mabalasik EAC sa overtime para masungkit ang importanteng panalo.
Sa unang laro, sumiksik ang College of Saint Benilde sa three-way tie sa top spot ng Group A matapos gapiin ang Lyceum of the Philippine University, 107-103.
Umiskor si John Morales ng 18 points para sa banderahan ang Blazers.
- Latest
















