^

Punto Mo

Maari bang humiling ng right of way?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Nakabili ako ng lupa na walang access sa highway. Nakiusap ako sa may-ari ng loteng nakapaligid sa property na sana ay mabigyan ako ng right of way at handa naman akong magbayad o makipag-swap ng bahagi ng aking lupa bilang kapalit. Tumanggi ang may-ari at sinabing kasalanan ko raw na walang access ang property dahil binili ko ang lupa kahit wala itong daan papuntang highway.

Ako ba ang may kasalanan  sa ilalim ng batas? Balak kong magsampa ng kaso para magkaroon ng right of way ang property ko. —Frank

Dear Frank,

Upang magkaroon ng karapatan ang isang property na magkaroon ng right of way, nakasaad sa Civil Code na kailangang lubos na napapaligiran ang nasabing ari-arian ng iba pang mga properties kaya wala nang madaraanan papunta sa highway. Bukod dito, kailangan din na hindi ang may-ari ng napapaligirang property ang may dahilan kung bakit lubos na napaligiran ang kanyang lupa.

Ngayon, kasalanan mo ba na napapaligiran ang property mo gayong binili mo ito na alam mong wala itong daan papuntang highway? Ayon sa Supreme Court sa kaso ng Sps. Williams v. Zerda (G.R. No. 207146, March 15, 2017), hindi naman kasalanan ng buyer ng napapaligirang lote na wala itong access sa highway kahit na alam naman niya na ganoon ang sitwasyon ng property nang bilhin ang lupa.

Angkop ang naging desisyon ng SC sa sitwasyon mo kung talagang dinatnan mo ng napapaligiran ang property mo at wala itong daan papuntang highway. Base sa desisyon, hindi maaring gamitin laban sa buyer ng property ang kaalaman niya na walang access sa highway ang lupang kanyang binili upang siya ay tanggihan na magkaroon ng easement o right of way.

RIGHT OF WAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with