^

PSN Palaro

Altas sinuwag Chiefs para pigilan ang kamalasan

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakalsuhan ng University of Perpetual Help System DALTA ang matagal na kamalasan matapos silatin ang Arellano University, 65-58, sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament kahapon sa Playtime FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Nagsalpak ng dalawang krusyal puntos si Leo­bert Casinillo sa dulo ng fourth quarter para tulu­ngan ang Altas na wakasan ang six-game losing slump at ilista ang 3-7 karta.

Inirehistro ni Casinillo ang 11 points, anim na rebounds at dalawang assists para ipalasap sa Chiefs ang pang-limang talo sa 10 laro.

Naglista ang Altas ng isang 11-point lead, 34-23, sa halftime.

Dumikit ang Chiefs sa payoff period subalit kina­pos.

Samantala, sumalo sa three-way tie sa top spot ng Group A ang St. Benilde Blazers matapos nilang sikwatin ang 71-69 panalo kontra Mapua Cardinals.

Kinapitan ng Blazers si Ian Torres para ilista ang 7-3 baraha at samahan sa tuktok ang defending champions San Beda Red Lions at Jose Rizal Heavy Bombers.

Nalasap naman ng Car­dinals ang ikaapat na talo sa 10 laro.

NCAA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with