^

Police Metro

P500K multa sa hindi pagtanggap ng PhilID

Joy Cantos - Pang-masa
P500K multa sa hindi pagtanggap ng PhilID
Ito ang naging paalala ni Akbayan Rep. Chel Diokno sa publiko na ang national ID ay kailangang tanggapin na tunay at sapat na pruweba na pagkakakilanlan ng isang tao sa mga transakyon nito sa ilalim ng Philippine Identification System (PhilSys) Act at Executive Order No. 162.
Philstar.com / Irra Lising

MANILA, Philippines — Magmumulta ng P500,000 ang alinmang ahensya ng gobyerno, bangko, o pribadong negosyo na hindi tatanggap sa Philippine Identification (PhilID) card o National ID bilang sapat na patunay ng pagkakakilanlan.

Ito ang naging paalala ni Akbayan Rep. Chel Diokno sa publiko na ang national ID ay kailangang tanggapin na tunay at sapat na pruweba na pagkakakilanlan ng isang tao sa mga transakyon nito sa ilalim ng Philippine Identification System (PhilSys) Act at Executive Order No. 162.

Ayon kay Diokno, mismong ang PhilSys na ang nagsabi na dapat tanggapin ang national ID na hindi na kailangang magprisinta pa ng maraming mga identification card at mga dokumento.

Ginawa ni Diokno ang pahayag sa gitna na rin ng mga reklamo ng ilang netizens dahilan hindi umano tinatanggap o kinikilala ang national ID sa ibang mga tanggapan ng gobyerno.

Sa katunayan aniya ang pelikulang “2 VALId IDs’ na palabas sa mga sinehan ay mahalagang mapanood para maintindihan na sapat itong patunay ng pagkatao.

Ayon kay Diokno dahilan sa nasabing pelikula ay muli niyang ipinaalala sa mga kinauukulang mga tanggapan ng gobyerno na tanggapin ang PHilSys ID sa mga transakyon.

PHILID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with