Magsasaka inutas ng kainuman
MANILA, Philippines — Isang 28-anyos na magsasaka ang nasawi matapos pagtatagain ng kaniyang kainuman kamakalawa ng madaling-araw sa Sitio Centro, Barangay Padre Herrera, Macalelon, Quezon.
Sa imbestigasyon ng Macalelon Municipal Police Station, magkasamang umalis ang biktimang si Rean at suspek na si Jaydee makaraang mag-inuman at nagtungo sa gilid ng kalye upang kumonekta sa libreng Wi-Fi.
Isang kasamahan umano nila ang nakasaksi sa pananaga at makaraan ay tumakas ang suspek dala ang ginamit na gulok patungo sa bulubunduking bahagi ng hangganan ng Gumaca, Quezon.
Patuloy ang hot pursuit operation ng pulisya upang madakip ang suspek na inilarawang nakasuot ng asul na T-shirt at itim na shorts.
- Latest
















