^

PSN Opinyon

EDITORYAL— Kasong cyber libel

Pilipino Star Ngayon

Ayon sa kanyang abogado, hindi alam ni Lustre ang tungkol sa kaso bago siya arestuhin. Dagdag pa nito, plano nilang magpiyansa at hilinging buksan muli ang preliminary investigation.

Muling binubuksan ng pangyayaring ito ang matagal nang tanong: kailangan pa bang may parusang pagkakakulong para sa kasong libel?

Mahalagang protektahan ang reputasyon ng isang tao. Hindi dapat gawing lisensiya ang freedom of expression para magpakalat ng kasinungalingan o manira nang walang basehan.

May responsibilidad ang journalists, content creators at ordinaryong mamamayan sa kanilang inilalathala.

Pero ang decriminalization ay hindi nangangahulugang mawawala ang pananagutan.

Matagal nang iminumungkahi na maaa­ring manatili ang civil remedies, kabilang ang pagbabayad ng damages, para sa mga taong mapatutunayang siniraan.

Ang mahalagang tanong ay kung kaila­ngan pa bang samahan iyon ng posibilidad ng pagkakakulong.

May epekto kasi ang criminal libel kahit wala pang final conviction.

Kailangang humarap sa imbestigasyon, kumuha ng abogado, magpiyansa at dumaan sa matagal na proseso.

Para sa mga mamamahayag at ordinar­yong mamamayan, maaari itong lumikha ng takot na magsalita o maglabas ng kritikal na impormasyon, lalo na kung tungkol sa mga taong nasa kapangyarihan.

Kasabay nito, hindi dapat mawala ang proteksiyon laban sa tunay na paninirang-puri.

Ang maling impormasyon at malicious accusations ay maaari pa ring dalhin sa korte at hingan ng danyos.

Kaya ang usapin ay hindi pagpili sa pagitan ng malayang pananalita at proteksiyon sa reputasyon. Parehong mahalaga ang dalawa.

Ang mas mahalagang tanong ay kung makatarungan pa ba na kulong ang sagot sa mapanirang salita.

Maaaring papanagutin ang naninira nang hindi kinakailangang gawing krimen ang bawat kasong may kinalaman sa reputasyon.

LUSTRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with