^

Probinsiya

Misis na OFW tinodas ni mister sa kapitolyo!

Ludy Bermudo, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

‘Di nagkasundo sa sustento sa 3 anak

MANILA, Philippines — Patay ang isang misis nang barilin ng kanyang mister na miyembro ng Provincial Security Group ng Rizal Provincial Go­vernment, sa gate mismo ng Rizal Provincial Capitol, noong Huwebes, Oktubre 22.

Dead-on-arrival sa pagamutan ang 42-anyos na ginang dahil sa mga tama ng bala ng baril sa kanyang ulo at katawan.

Ang biktima ay isang overseas Filipino worker (OFW) na kauuwi pa lang mula sa Oman noong Setyembre, sa harapan ng kapatid at pinsan na kasamang nagtungo sa kapitolyo.

Arestado naman ang 49-anyos na suspek na dinisarmahan ng kalibre .45 baril na ginamit sa krimen.

Sa kuha ng CCTV camera sa lugar, makikitang naglalakad ang biktima sa bangketa nang malapitang barilin ng mister na naglakad lamang din palayo sa lugar.

Nasaksihan umano ng kapatid at pinsan ng ginang na kasamang nagtungo sa kapitolyo ang krimen.

Sa tulong ng isang rider, nadakip ang suspek na hinabol nang bumalik sa guardhouse ng kapitolyo.

Ayon sa ulat, ang mag-asawa ay katatapos lamang magharap sa Human Resources Management Office (HRMO) ng Rizal Provincial Government para sa usapin ng sustento sa kanilang tatlong anak.

Nabatid na follow-up umano ang paghaharap sa kapitolyo ng dalawa matapos palagan ng suspek ang P6,000 na sustento na itinakda ng City Social Welfare Office ng Antipolo, Rizal noong Hulyo.

Sa pag-uusap sa harap ng Rizal Provincial HRMO nitong Huwebes, gustong pababaan ng suspek sa halagang P1,500 ang sustento, na hindi naman sumang-ayon ang ginang.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Mark Henry Garcia, hepe ng Antipolo Component City Police Station (CCPS), hindi malinaw ang naging usapan na posibleng nagpainit ng ulo sa suspek nang sabihin ng biktima na ipatatanggal na lang siya sa trabaho.

RIZAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with