4 tiklo sa ilegal na bentahan ng petrolyo

MANILA, Philippines — Apat na katao ang inaresto ng Quezon City Police District (QCPD) sa entrapment operation laban sa umano’y ilegal na bentahan ng petrolyo sa Brgy. Payatas, Quezon City, nitong Oktubre 20.
Ayon kay QCPD Director PBGen. Christopher Olazo, naaktuhan ang mga suspek na sina sina alyas “Mar,” 37; “Jess,” 25; “Tan,” 48; at “Gem”, 32, na nagbebenta ng 12 litro ng produktong petrolyo sa halagang P900 sa mga pulis na nagpanggap na kostumer.
Nasamsam sa operasyon ang tinatayang 172 litro ng petrolyo na nagkakahalaga ng P12,750, mga kagamitang ginagamit sa pagsipsip ng gasolina, mga lalagyan, P30,760 cash, at isang puting JMC FB utility vehicle.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Batas Pambansa Blg. 33, na inamyendahan ng Presidential Decree No. 1865.
- Latest

















