^

PSN Palaro

Blazers tinuhog ng Knights para sa ika-2 dikit na panalo

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon
Blazers tinuhog ng Knights para sa ika-2 dikit na panalo
Letran's Denzil Sison-Walker (5)
NCAA Philippines

MANILA, Philippines — Kontrolado ng Letran ang laban simula umpisa hanggang sa dulo kaya magaan nilang diniskaril ang College of Saint Benilde, 83-72, sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament kahapon sa Playtime FilOil sa San Juan City.

Kinapitan ng Knights si Denzil Walker na nagta­la ng 21 points, pitong rebounds, apat na assists at dalawang steals para sik­watin ang back-to-back wins.

Nagtala rin sina Justin Cargo at Aaron Buensalida ng tig-13 points para sa ka­nilang pamumuno sa Group B tangan ang 6-3 re­cord.

Kumana sina Jhommel Ancheta at SJ Moore ng tig-12 points sa panig ng Blazers na nalsap ang pa­ngatlong talo sa siyam na laro.

Maagang dinomina ng Letran ang St. Benilde para ha­wakan ang 11-point lead sa first quarter, 24-13, at nanatili sa kanila ang benathe sa halftime, 48-35.

Nagpatuloy ang nagliliyab na opensa ng Knights sa third quarter kaya lumobo sa 67-48 ang kanilang bentahe papasok ng fourth period.

Halos wala ng lakas ang Blazers sa payoff period at tuluyan nang sumuko.

Sa ikalawang laro, lusot ang JRU Heavy Bombers sa Perpetual Altas sa overtime, 72-70.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with