^

Probinsiya

17-anyos hulog sa bangin sa Baguio, nasagip

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasagip ng mga ­elemento ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang isang 17-anyos na lalaki makaraang aksidente itong mahulog sa 15-metrong lalim na bangin sa Baguio City nitong Sabado.

Sa ulat ng BFP Baguio City, ang insidente ay nangyari malapit sa Dragon Treasure Castle sa Phase 2, Irisville Subdivision, Purok 20, Upper Irisan ng nasabing lungsod dakong alas-12:19 ng madaling araw.

Ayon sa imbestigas­yon, habang nasa bisinidad ng nasabing lugar ang nasabing binatilyo nang aksidente siyang mahulog sa bangin.

Nang matanggap ang report, mabilis na nagresponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Baguio City at nagsagawa ng rescue operation sa kinahulugang bangin ng menor-de-edad.

Bandang alas-12:43 ng madaling araw nang ganap na maiahon sa bangin ang tinedyer na nagtamo ng mga sugat sa katawan.

Ang tinedyer ay agad na dinala sa Baguio City Emergency Medical Services dakong ala-1:01 ng madaling araw para malapatan ng pangunahing lunas.

Kaugnay nito, pinag iingat ng pamahalaang lungsod ang publiko lalo na ang mga turista sa kanilang dinaraanan lalo na kapag nagtutungo sa mga pook pasyalan sa lungsod.

BFP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with