Delivery rider, 2 beses na hinoldap sa GenTri
CAVITE, Philippines — Doble kamalasan ang inabot ng isang delivery rider makaraang magkasunod na holdapin ng dalawang armadong lalaki kamakalawa sa Barangay Manggahan, General Trias (GenTRi) City.
Naaresto naman agad ang isa sa mga suspek sa isinagawang followup operation ng Gen Trias City Police na si alyas “Yangyang,” 29 anyos, taga Barangay San Francisco, General Trias City, Cavite
Sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-11:00 ng umaga, sakay ng kaniyang motorsiklo ang 33-anyos na delivery rider na si alyas Mike at huminto sandali sa may tapat ng isang warehouse sa State Land Hills Subdivision, Barangay Manggahan ng lungsod, nang lapitan siya ng isang lalaki at agad nanutok ng baril.
Sapilitang kinuha ng armadong suspek ang iPhone 11 Pro Max ng biktima bago mabilis na tumakas.
Hindi pa man nakakakilos ang biktima nang isa na namang lalaki ang lumapit sa kanya at muling nagdeklara ng holdap. Tinangay nnaman sa kanya ang bag nito na naglalaman ng humigit-kumulang sa P20,000 cash.
Agad humingi ng tulong ang btikima sa pulisya na nagkasa ng hot pursuit operation hanggang sa masukol ang isa sa dalawang suspek na nakunan ng droga at potibong kinilala ng biktima.
- Latest


















