Top 5 most wanted sa rehiyon 2, dinakma
SANTIAGO CITY, Isabela , Philippines – Dinakip ng mga awtoridad ang lalaking tinaguriang number 5 most wanted person sa Region 2 o Cagayan Valley dahil sa maraming kaso ng panghahalay at pagmomolestya sa isinagawang operasyon sa Purok 1, Barangay San Francisco, Cauayan City kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang akusado sa alyas na “Rey,” 28, isang construction worker at residente ng Barangay Bautista dsa bayan ng San Agustin, Isabela.
Armado ng warrant of arrest na ipinalabas ng korte ay inaresto ang akusado ng pinagsanib na operatiba ng Tracker Team ng Cauayan City PNP, Isabela Provincial Highway Patrol Team, Provincial Intelligence Unit, at Regional Intelligence Unit 2 – Police Intelligence Team Isabela East.
Ang akusado ay nahaharap sa mga kasong 4-counts ng statutory rape, 3-counts ng a rape by sexual assault, at acts of lasciviousness.
Hindi pinayagan ng korte na makapagpiyansa ang akusado para sa mga kasong statutory rape at rape by sexual assault, habang nasa P108,000 ang inirekomendang piyansa para sa kasong acts of lasciviousness.
- Latest





















