Obrero tepok sa kidlat

MANILA, Philippines — Nagkikisay na nasawi ang isang obrero makaraang aksidenteng tamaan ng kidlat sa bayan ng Labangan, Zamboanga del Sur nitong Biyernes ng hapon.
Sa report ng Labangan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), kinilala ang nasawing biktima na si Dominador Labora, residente ng Upper Pulacan, Labangan ng lalawigan.
Base sa imbestigasyon, nangyari ang insidente sa Brgy. Bolong malapit sa dam ng National Irrigation Administration sa nasabing lugar alas-3 ng hapon.
Ang biktima kasama ang tatlo pang kapwa obrero ay nasa site ng dam nang biglang kumidlat at aksidenteng masapul ito sa katawan.
Ang biktima ay nagtamo nang matitinding sugat sa katawan bunga ng insidente na bagaman nagawa pang maisugod sa Labangan Rural Health Unit ay idineklara nang dead-on-arrival.
- Latest



















