^

PSN Opinyon

Paldo si Sara: Tumanggap ng milyones sa China

BARDAGULAN - Ronald M. LLamas - Pilipino Star Ngayon

Nitong mga nagdaang araw, narinig natin ang kuwento ng unexplained wealth ni Vice President Sara Duterte, ang Chinese at drug lord money na dumaloy sa mga financial at political network ng kanyang pamilya, at ang umano’y pang-aabuso sa kapangyarihan. Lumabas ang kaliwa’t kanang resibo at iba pang dokumento.

Ayon sa Anti-Money Laundering Council (AMLC), umabot sa P4.4 bilyon ang covered at suspicious transactions na iniuugnay sa mga account nina Sara at asawang si Manases Carpio mula 2007 hanggang 2025. Sa halagang ito, P1.63 bilyon ang inflows, P1.31 bilyon ang outflows, habang P1.46 bilyon ang hindi matukoy kung papasok o palabas na tran­saksyon.

May P319.3 milyong remittances mula sa China na na­tanggap ng Cale88 Foods Corp., isang kumpanyang ini­uugnay kay Carpio. Sinabi ng AMLC na ilan sa mga transaksiyong ito ay iniulat bilang suspicious dahil walang malinaw na legal o economic justification sa records.

Mayroon ding testimonya at dokumentong iniharap hinggil sa umano’y P181.6 milyong tseke mula sa isang sinasabing drug lord na napunta o na-encash ng ilang miyembro ng Duterte family.

Samantala, ang declared net worth ni Sara Duterte ay nasa humigit-kumulang P98.5 milyon lamang noong 2025.

Kaya simple ang tanong: bakit hindi tugma ang idineklarang yaman ni Sara sa aktuwal na financial records?

Ang depensa ng kanyang kampo? Ilegal daw ang pag­lalabas ng bank records. Hirit pa nila, bakit daw pinagsama-sama ang bank record amounts?

Nakakatawa. Ni minsan, hindi nila sinabi na hindi totoo ang bilyon-bilyong pisong bank transactions na inilabas ng AMLC. Hindi rin nila maipaliwanag kung saan galing ang yaman ni Sara at ng kanyang pamilya.

Sa madaling salita, may resibo, pero ang sagot, parang un­explained wealth. Walang paliwanag.

Ang klaro, bilyon-bilyong piso ang dumadaan sa mga account nina Sara, milyones ang pumapasok mula sa China, at milyones din ang tinanggap mula sa isang diumano’y drug lord.

Ang tindi! Hindi na lamang ito usapin ng diumano’y pandarambong at tagong yaman. Usapin na rin ito ng pagtatraydor sa Pilipinas!

Narinig na natin ang kuwento. Nakita na ang mga resibo. Nabuking na ang milyones na galing sa Tsina. Nasa mga senator-judge ang tungkuling timbangin ang ebidensya at panagutin si Sara.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with