^

Metro

Parak nandakma ng ‘wetpaks’ sibak

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Parak nandakma ng ‘wetpaks’ sibak
Base sa report ni Northern Police District (NPD) Director P/Brig.Gen. Benliner Capili, ang sinibak na parak ay may ranggong Police Master Sergeant at kinilala sa alyas na “Jayjay.”
STAR / File

MANILA, Philippines — Sinibak na sa puwesto ang isang pulis na ini­reklamo ng ‘act of lasciviousness’ makaraang masangkot sa panghihipo ng puwet sa isang babaeng bumibili sa isang sari-sari store sa lungsod ng Caloocan.

Base sa report ni Northern Police District (NPD) Director P/Brig.Gen. Benliner Capili, ang sinibak na parak ay may ranggong Police Master Sergeant at kinilala sa alyas na “Jayjay.”

Samantalang pinaiimbestigahan din ni Capili kay Caloocan City Police Chief P/Col. Joey Goforth ang mga pulis na nakatalaga sa Bagumbong Police Sub Station kaugnay umano ng kapabayaan, pagpalpak sa pagsisiyasat o kakulangan sa pagtugon na aksiyunan ang mga reklamo ng mga biktima sa nasabing himpilan.

Sa imbestigasyon, kabilang dito ay ang reklamo sa insidenteng nangyari noon pang Setyembre 8, 2026 bandang alas-8:20 ng gabi sa isang sari-sari store sa Brgy. 171, Bagumbong na nakunan pa sa CCTV habang hinihipuan ng bastos na parak sa puwet ang nag­rereklamong biktima.

Inihayag ni Capili na lahat ng reklamo na kinasasangkutan ng mga pulis ay nararapat lang na seryosong bigyan ng atensiyon at aksiyunan nang mabilis batay sa makakalap na ebidensiya na naaayon sa batas, panuntunan, at regulasyon.

Gayunman, hindi umano inaksyunan ng nasabing himpilan ang reklamo laban sa kapwa parak ng mga ito kaya’t nagdesisyon ang biktima na dumulog sa isang kilalang television network at doon magreklamo.

Sa kasalukuyan, isinailalim na sa restrictive custody si alyas P/Master Sergeant “Jayjay” na nahaharap sa kasong kriminal at admi­nistratibo. Kabilang dito ay ang grave miscounduct, acts of lasciviousness, at paglabag sa Safe Spaces Act o ang mas kilala bilang Anti-Bastos Law.

POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with