P496 milyong shabu nasabat sa NAIA

MANILA, Philippines — Nasabat ng Bureau of Customs–Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA), kamakalawa ng gabi, ang humigit-kumulang 73,002 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P496 milyon, na itinago sa loob ng isang papasok na kargamento mula sa Mexico na idineklarang isang pelletizing machine matapos ang umanoy masusing koordinasyon ng kanilang drug counter part abroad.
Ang kargamento ay na-flag sa pamamagitan nang pinaigting na pangangalap ng impormasyon at risk profiling.
Ang kasunod na inspeksyon ng K9 at pisikal na eksaminasyon ay humantong sa pagkakatuklas sa pinaghihinalaang ilegal na droga.
Wala pang maayos na detalyeng ibinigay ang mga awtoridad habang sinusulat ang balitang ito.
- Latest

















