Anne, ayaw noon kay Jennylyn para kay Luis?!

Nanganak na nang nanganak ang issue nina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia dahil pati ang nananahimik na sina Anne Curtis at Luis Manzano ay nadamay na rin.
Viral ngayon ang old video ni Lucky kasama ang misis na si Jessy Mendiola na kuha sa kanilang vlog kung saan ay naglalaro sila ng game na “Never Have I Ever.”
Sa nasabing clip na nahalukay ng netizens ay mapapanood na tinanong ni Jessy ang mister ng “Never have I chosen boys or girls over friends.”
Sumagot naman si Luis ng “I have” at ikinuwento ang tungkol sa pagtututol ng kaibigan niyang si Anne Curtis sa isa sa kanyang ex-girlfriends.
“Ang best friend ko is obviously si Anne. A while back, parang hindi niya gusto ‘yung dine-date ko nang time na ‘yun,” sey ni Luis.
Sey naman ni Jessy, “Oh my God, sino?”
Ibinulong naman ito ni Luis sa kanyang misis na siyempre ay hindi na narinig sa video.
“So, hindi niya gusto ‘yung dine-date ko na ‘yon. Parang sabi niya, ‘Manzano, as long as dine-date mo ‘yon, hindi tayo mag-uusap,’” kwento ni Lucky.
That time, hindi rin daw niya bet ang dine-date ni Anne kaya quits lang daw sila.
“So, may time na kami ni Anne ay hindi kami nag-uusap dahil hindi namin gusto ‘yung mga dine-date namin respectively,” pag-amin ni Luis.
Ang hula ng netizens, si Jennylyn ang tinutukoy ni Lucky na ayaw ni Anne at ikinonek nila ito sa pagiging mag-BFF umano ng aktres at ng kapatid ni Patrick Garcia na si Chesca Garcia.
Anyway, wala pang pahayag sina Anne at Luis tungkol sa isyung ito.
Samantala, hindi naman pabor ang fans ni Jennylyn na idinadamay pa ang ibang tao sa issue.
Sa Faceboook post ng fan page na EverythingAboutJennylyn ay pinaalalahanan nila ang kapwa-team Jennylyn na huwag lumayo sa issue with Patrick.
“GENTLE REMINDER TO ALL TEAM JENNYLYN. Let’s keep our focus clear.
“We are disappointed in one person because of his actions and statements. That’s it.
“There is no need to drag other people, especially families and children who have nothing to do with this issue.
“Let’s not open new topics that are no longer connected to the original issue. It will only divert us from our real purpose.
Our purpose is simple: To protect Jennylyn and her peace.
“Queen Jennylyn herself requested to stop the hate. As her supporters, let’s respect and follow that.
“Let’s show our support with dignity, respect, and class - exactly how Jennylyn carries herself. Thank you so much for understanding,” pahayag ng Team Jennylyn.
- Latest























