^

Metro

Babaeng wanted sa 71 counts ng qualified theft, tiklo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang isang 49-anyos na babae na nahaharap sa 71 counts ng qualified theft sa isinagawang warrant ope­ration sa Brgy. Poblacion, Mandaluyong City, nitong Oktubre 1.

Ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO), dakong alas-8 ng gabi nang maaresto ang suspek ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ng Mandaluyong City Police Station. Isinilbi sa kanya ang warrant of arrest na inilabas ng Makati Regional Trial Court Branch 61 noong Setyembre 30.

May inirekomendang kabuuang piyansa na P2.44 milyon para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Matapos ang pag-aresto, isinailalim siya sa dokumentasyon sa himpilan ng pulisya bago inilipat sa Custodial Facility Unit habang hinihintay ang turnover sa korte na naglabas ng warrant.

Ayon kay NCRPO Director PBGen. Christopher N. Abrahano, patuloy ang kanilang operasyon laban sa mga wanted na indibidwal upang mapanagot ang mga ito sa mga kasong kinakaharap.

NCPRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with