^

Bansa

Tulfo sa prosekusyon: Pumapalpak na kayo!

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Tulfo sa prosekusyon: Pumapalpak na kayo!
Senator-judge Raffy Tulfo on October 1, 2026
Ryan Baldemor/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Pinuna ni Senator-judge Raffy Tulfo ang House prosecution ­panel sa pagpili ng mga testigo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa pagdinig nitong Huwebes, sinabi ni Tulfo na may ilang testigo na hindi naman aniya kailangan at nagsasa­yang lamang ng oras sa korte.

“Kasi kung minsan, yung prosecution, sorry ah, pumapalpak-palpak kayo. There are times na naglalagay kayo ng mga witnesses dito na hindi naman kailangan talaga,” ani Tulfo.

Ayon pa sa senador, mas mainam na iharap si dating senador Antonio Trillanes IV kasama ng mga kinatawan ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) kung magbibigay ito ng impormasyon hinggil sa mga bank account at transaksyon.

Napansin din ni Tulfo na tila nawawalan ng interes ang ilang senador sa mga pagdinig dahil sa ilang testimonya na aniya’y hindi produktibo.

“Nakikita naman yung mga senador, ­inaantok. Yung iba, panay ang punta ng CR kasi wala, parang useless eh,” dagdag niya.

Bagaman at walang tinukoy na pangalan, sinabi ni Tulfo na mayroon pang kinuha ang prosekusyon na nagpapa-cute lamang.

“Mayroon pa nga kayong kinuha na pinagtatawanan tuloy, napapa-cute lang, habang may kinakausap na witness na pulis,” sabi ni Tulfo.

Dahil dito, hinimok niya ang prosekusyon na maging mas maingat sa pagpili ng mga testigo at abogadong isasalang sa impeachment proceedings.

RAFFY TULFO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with