^

Police Metro

Implementasyon sa pagsuspinde ng tax sa LPG at kerosene, inilabas ng BIR

Angie dela Cruz - Pang-masa
Implementasyon sa pagsuspinde ng tax sa LPG at kerosene, inilabas ng BIR
A worker cleans up LPG gas tanks sold by a distributor in Kamuning, Quezon City.
STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Inilabas na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang Memorandum Circular No. 100 para sa implementasyon ng suspensyon ng excise tax sa liquified petroleum gas (LPG) at kerosene.

Ito ay sa pagtalima ng BIR, sa Executive Order 125 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagsususpendi sa excise tax sa LPG at kerosene.

Ayon kay Commissioner Charlito Martin Mendoza, ang pansamantalang pagsususpinde ay kasunod ng sertipikasyon ng Department of Energy (DOE) na ang isang-buwang average na presyo ng Dubai crude oil.

Batay sa Mean of Platts Singapore (MOPS) na umabot sa US$99.41 kada bariles mula Agosto 13 hanggang Setyembre 11, 2026 na mas mataas ito sa US$80.00 kada bariles na itinakdang threshold sa ilalim ng Republic Act No. 12316.

Sa ilalim ng EO No. 125, ganap na sinuspinde ang excise tax sa LPG, maliban kung ito ay ginagamit bilang raw materials sa paggawa ng mga produktong petrochemical para sa motive power at tax sa kerosene kung ginagamit ito bilang aviation fuel.

Awtomatikong ibabalik ang regular na excise tax rates nang hindi na kailangan ng panibagong kautusan, isang linggo matapos bumaba sa US$80 kada bariles ang one-month average na presyo ng Dubai crude oil, batay sa sertipikasyon ng DOE, o tatlong buwan mula sa pagiging epektibo ng EO, alinman ang maunang mangyari.

LPG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with