Philippine women’s team pinisak ng Israel
MANILA, Philippines — Hindi kinaya ng Philippine women’s team ang tikas ng Israel matapos nilang malasap ang 1-3 kabiguan sa ninth round ng 46th World Chess Olympiad na nilaro sa Silk Road International Exhibition Centre sa Samarkand, Uzbekistan, Biyernes ng gabi.
Nakipaghatian ng puntos sina Woman Grandmaster Janelle Mae Frayna at Woman International Master Ruelle Canino kina WIM Noga Orian at IM Masha Klinova sa boards two at three, ayon sa pagkakasunod habang sumadsad si WIM Jan Jodilyn Fronda-Grafil kay WGM Viktoria Chernyak sa board four.
Yumuko rin si Mhage Sebastian sa board one kontra IM Marsel Efroimski, pero may tsansa sana siyang manalo at maisalba ang team Philippines kaya lang ay nagkamali siya ng karkulasyon.
Kung nanalo si Sebastian malaki sana ang pag-asa ng Filipinas na sumampa sa top ten.
Ang kampanya ng Pilipinas ay suportado ng Philippine Sports Commission ,(PSC) sa pamumuno ni chairman Patrick “Pato” Gregorio.
Ang pagkatalo ng Filipinas ay nagpabagsak sa kanila sa 39th place kasalo ang 17 bansa na may tig-11 match points.
Natalo rin ang mga men’s team sa kamay ng Norway na binubuo ng pawang mga Grandmaster, 2.5-1.5 kaya nagpatalsik ang koponan sa palabas ng top 50 bitbit ang 10 match points.
- Latest
















