^

Metro

Lifetime ban sa driver na sumagasa sa pulis - LTO

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inirekomenda ng Land Transportation Office (LTO) ang lifetime ban  sa driver na umano’y lasing nang makasagasa at ikinasawi ng isang pulis na nagsasagawa ng checkpoint sa Jimenez, Misamis Occidental noong Setyembre 21.

Ayon kay LTO Chief Markus Lacanilao, isinusulong ang perpetual revocation ng lisensya ng driver dahil sa insidente. “Hindi dapat nagmamaneho ang sinumang nakainom. Delikado ito at puwedeng kumitil ng buhay,” ani Lacanilao.

Batay sa initial investigation, bumangga ang pribadong sasakyan sa checkpoint signage ng Jimenez Municipal Police Station sa National Highway Intersection, Purok 5, Brgy. Butuay, at nasagasaan ang isang pulis na kalaunan ay namatay dahil sa mga tinamong pinsala.

Nagpositibo rin sa alcohol test ang driver gamit ang Alcoholic Breath Analyzer (ABA). Ipinatawag na siya ng LTO upang humarap at magsumite ng sinumpaang salaysay kaugnay ng insidente.

Kabilang sa mga paglabag na tinukoy ng LTO ang improper person to operate a motor vehicle, reckless driving at driving under the influence of alcohol, bukod sa iba pang pananagutan na maaaring matukoy sa nagpapatuloy na imbestigasyon. Nakaalarma na rin ang sasakyang sangkot sa insidente.

LTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with