^

PSN Palaro

1 silver, 2 bronzes kinana ng Team Philippines sa Asiad

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
1 silver, 2 bronzes kinana ng Team Philippines sa Asiad
Pinilit kumawala ni MMA fighterJean Claude Saclag mula sa pagyakap ni Otabek Rajabov ng Tajikistan sa gold medal round ng men’s traditional -65kg division sa 20th Asian Games.
POC Pool

MANILA, Philippines — Isang silver at dalawang bronze medals ang inangkin ng mga Pinoy athletes sa umiinit na kampanya ng Team Philippines sa 20th Asian Games kahapon sa Aichi-Nagoya, Japan.

Ang pilak ay nagmula kay Jean Claude Saclag, habang ang dalawang tansong medalya ay nanggaling kay Carlos Alvarez at sa national women’s team kata.

Nakuntento si Saclag sa silver matapos matalo kay Otabek Rajabov ng Tajikistan sa finals ng men’s traditional -65kg division, habang bronze ang ambag ni Alvarez sa kanyang kabiguan kay Yerkingali Burkutalin ng Kazakhstan sa semifinals ng men’s traditional -77kg class.

Nag-ambag ng isa pang bronze sina Samantha Emmanuelle Veguillas, Ysabielle Arrogante at Rebecca Cyril Torres sa women’s team kata event.

Sinapawan ng tatlong Pinay karateka ang Thailand, 4-1, sa kanilang bronze medal match.

May isang silver at tatlong bronze medals nga­yon ang Team Philippines kasama ang naunang bronze ng women’s soft tennis team para sa No. 21 spot sa medal tally.

Sa swimming, walang nalangoy na medalya sina Kayla Sanchez (4th) at Heather White (10th place) sa women’s 100m freestyle, Xiandi Chua (8th place) sa women’s 200m backstroke at Gian Christopher Santos (10th place) sa men’s 400m Individual Medley.

Sa kabila ng kabiguang makakuha ng tanso ay mu­ling nagtala si Sanchez ng bagong Philippine record sa women’s 100m freestyle sa kanyang itinalang 53.65 segundo.

Noong Lunes ay ba­gong national mark na 28.19 segundo ang inilista ng Fil-Canadian swimmer sa women’s 50m backstroke.

Sa women’s boxing, maagang nasibak si Paris Olympics bronze me­dalist at Asiad flag-bearer Aira Villegas matapos ang 0-5 kabiguan kay Sakshi Chaudhary ng India sa round of 32 ng women’s 51-kilogram division.

Sa women’s 5x5 basketball, talo ang Gilas Pilipinas Women sa Japan, 67-89, para sa 2-1 record, ngunit pasok pa rin sila sa quarterfinals bilang No. 2 team ng Group G.

Sa women’s 3x3 basketball, magkasunod na tinalo nina Kacey Dela Rosa, Maria Pasilang, Kennan Ka at Amyah Espanol ng Gilas Pilipinas Women ang Mongolia at Macau para sa tsansa sa quarterfinal seat.

Sa men’s football, tinapos ng national under-23 team ang kanilang Asiad campaign mula sa 2-1 panalo laban sa Kuwait matapos ang dalawang sunod na kabiguan.

Sa baseball, talo ang Philippine baseball team sa China, 8-15, para sa 1-1 baraha at sunod nilang lalabanan ang Japan.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with