^

PSN Opinyon

Mahiwagang malunggay: Pagkain, gamot, langis

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Apat na libong taon na pinakikinabangan ng tao ang malunggay. Malaki ang silbi nito sa mga sinaunang ­sibilisasyon sa Asia at Africa.

Tumataas ng 15 talampakan ang punong malunggay sa loob ng isang taon. Pagkain, gamot, at pangningas ang sabay-sabay nitong ginagawa.

Pitong beses na mas maraming Vitamin C sa dahon ng malunggay kaysa oranges. Apat na beses na mas maraming calcium kaysa gatas ng baka. At doble ang protein kaysa yogurt. Kaya ang pinag-pinakuluan ng dahong mura ng malunggay ay pinahihigop sa buntis, bagong nanganak, at sa sanggol. Mainam din sa mga alagang hayop: aso at tuta, pusa at kuting.

Sa buto ng malunggay makakatas ang 38-40% na langis. Napapaandar nito ang diesel engine maski walang modification.

Wikipedia Photo

Nakakapagtaka, ang buto ring ‘yon ay nakakapag-purify ng tubig inumin, at pumapatay ng 99% ng bacteria.

Hindi lang pampasigla ng katawan ang malunggay. Panglanggas din ng sugat, pigsa, galis, at kati-kati. Hinahalo ang katas ng dahon sa virgin coconut oil para pangmasahe at pang-relax ng muscles.

Sa Paris Exhibition nu’ng 1900, ipinakilala ni Rudolf Diesel ang external combustion engine niya. Pinatakbo ito gamit ang langis ng mani. Kaya rin tumakbo ng makina sa pamamagitan ng langis ng malunggay. Napatunayan ‘yon sa mga tren, kotse, at barko.

Hindi malaman kung bakit nauso ang paggamit ng petrolyo imbis na malunggay bilang pangningas ng mga makina. Sana hindi na dumumi ang hangin sa pagsunog ng petrolyo.

Napakadali magtanim at magpalaki ng malunggay. Pumutol lang ng tangkay, kayasin ng kutsilyo, at itusok sa lupa.

***

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with