^

Metro

Bus inararo 7 sasakyan; 3 kritikal, 10 pa sugatan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Bus inararo 7 sasakyan; 3 kritikal, 10 pa sugatan
Ayon sa ulat, ang bus na humaharurot ay hindi nagawang huminto kahit nag-red na ang traffic light dahilan upang salpukin nito ang mga nasa unahan na kinabibilangan ng SUV, pampasadang jeep, isang e-jeep, at mga motorsiklo.
Graphics by John Villamayor

MANILA, Philippines — Nagdulot ng karambola sa pitong sasakyan nang mawalan umano ng preno ang isang pampasaherong bus, na ikinasugat ng hindi bababa sa 13, kabilang ang tatlong nasa malubhang kalagayan, na naganap sa España Boulevard, sa Maynila, Biyernes ng gabi.

Ayon sa ulat, ang bus na humaharurot ay hindi nagawang huminto kahit nag-red na ang traffic light dahilan upang salpukin nito ang mga nasa unahan na kinabibilangan ng SUV, pampasadang jeep, isang e-jeep, at mga motorsiklo.

Dakong alas-7:00 ng gabi ng Setyembre 11 nang mangyari ang karambola sa España Blvd., panulukan ng ­Padre Noval St.

Mula umano sa kanto ng Blumentritt St. at España ay nakitang humaharurot at pagewang-gewang na ang bus, ayon sa mga saksi at isang driver na nadamay sa banggaan.

Nagtamo ng pinsala sa harapang windshield ng bus, habang wasak na wasak ang likurang bahagi ng isang SUV, matinding pinsala rin ang isang motorsiklo habang wasak naman ang isang gulong ng e-jeep, ayon pa sa ulat.

Pinakamatindi ang tama ng mag-asawang sakay ng motorsiklo, ang ilan ay nagtamo ng mga bukol, at may mga dumaing ng pananakit ng braso at binti.

Tumagal nang mahigit isang oras bago naalis ang mga sangkot na sasakyan, na nagdulot nang mabigat na trapiko sa lugar.

Posibleng maharap sa mga reklamong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries at damage to properties, bagama’t hindi pa naglalabas ng opisyal na ulat sa isinagawang imbestigasyon ang Manila Traffic Enforcement Unit.

ACCIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with