^

Probinsiya

Mister pinabulagta sa harap ni misis

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
Mister pinabulagta sa harap ni misis
Kinilala ng pulisya ang nasawi na si alyas “Ben”, residente ng lugar.
Image by Rudy and Peter Skitterians from Pixabay

CAVITE, Philippines — Patay ang isang mister matapos itong barilin nang suspek sa harap mismo ng kinakasama ng biktima habang naglalakad pauwi sa Brgy. Bagtas, bayan ng Tanza, dito, kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si alyas “Ben”, residente ng lugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-11 ng gabi, magkasamang naglalakad si Ben at live-in partner nito sa Phase 2 Pabahay 2000 Subdivision sa nasabing barangay.

Kasunod nito, biglang hinarang ang dalawa ng suspek kaya nauwi sa kanilang mainitang komprontasyon hanggang sa bigla na lamang umanong sinabi ng suspek na --”Sino ang una kong papatayin sa inyo” sabay tutok ng baril at binaril ang mister.

Nang bumulagta ang biktima, mabilis na tumakas ang suspek dala ang baril na ginamit sa krimen.

Humingi naman ng tulong ang babae upang maitakbo agad sa pagamutan ang duguang kinakasama pero idineklarang patay.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang insidente at sa motibo ng pamamaslang sa mister.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with