^

Probinsiya

3 misis tinodas ng mga mister!

Doris Franche-Borja, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
3 misis tinodas ng mga mister!
Map of the Misamis Oriental showing the location of Cagayan de Oro City
Wikipedia / Mike Gonzalez

Sinagasaan, ginulpi, pinagsasaksak

MANILA, Philippines — Kalunus-lunos ang sinapit ng tatlong misis makaraang patayin ng kani-kanilang mister sa magkakahiwalay na insidente at lugar, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Sa Cagayan de Oro City, dead-on-the-spot ang ginang na si Ivy Berjame Tingson, 28, isang radiologic technologist sa Northeastern Misamis General Hospital sa Villanueva, Misamis Oriental makaraang sagasaan ng sariling mister habang lulan ang una ng motorcycle taxi alas-5:30 ng madaling araw nitong Setyembre 3 sa RN Pelaez Boulevard, Kauswagan, CDO.

Sumuko ang suspek na si Paul Christian Roque, 36, isang nurse matapos ang insidente.

Sa ulat, unang nagtalo ang mag-asawa dahil sa pagseselos at nag-book ng online motorcycle ride si Tingson. Sinundan naman siya ng galit na mister lulan ng kanilang gray Toyota Vios at nang abutan ay binangga nito ang mototaxi.

Dahil sa matinding pagbangga, nasawi ang ginang habang nasugatan ang driver ng mototaxi na si Jeric Cantago. Bumangga pa ang kotse ng suspek sa isang nakaparadang pulang Hyundai Eon at isang tindahan sa gilid ng kalsada.

Sa Brgy. 3, San Carlos City, Negros Occidental, patay rin ang isang 31-anyos na misis makaraang gawing punching bag ng kaniyang live-in partner na si alyas “James,” 33, sa gitna ng kanilang pagtatalo dahil umano sa pagseselos ng ginang ­nitong Lunes, Setyembre 7.

Sa report ni P/Lt. Col. Nazer Canja, hepe ng San Carlos City, ang mag­live-in partner ay dumalo sa kaarawan ng isa nilang kamag-anak. Nagselos umano ang ginang na si alyas “Ezzence” sa isang babaeng kainuman ng 33-anyos na live-in partner nito kasama ang iba pang mga bisita. Dito ginuwardyahan ng ginang ang mister at hindi na umalis sa tabi nito hanggang sa abutin sila ng alas-2 ng madaling araw nang makauwi sa kanilang bahay. Pagda­ting sa bahay, rito na nagbunganga ang ginang at kinompronta ang mister.

Sa galit ng mister, pinagsusuntok nito ang kinakasama hanggang sa humandusay sa sahig. Naisugod pa ang ginang sa pagamutan pero idineklarang dead-on-arrival. Boluntaryo namang sumuko sa pulisya ang suspect matapos ang insidente.

Samantala, dead-on-arrival din sa Davao de Oro Provincial Hospital ang 70-anyos na si Estrella Dionesio nang pagsasaksakin ng live-in partner na si Virgilio Canja dahil din umano sa selos sa Brgy. Poblacion, Mawab, Davao de Oro nitong Sabado, dakong alas-8 ng gabi.

Lumalabas na nagtalo ang mag-partner kaya binato ng matandang ginang ang mister at nasugatan. Sa galit ng lalaki, kumuha naman ng kutsilyo sa kusina at inatake ng sunud-sunod na saksak ang kinakasamang matanda na kanyang ikinamatay.

CAGAYAN DE ORO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with